Olympic meeting kanselado, preparasyon naantala vs COVID-19
- Published on February 25, 2020
- by @peoplesbalita
KINANSELA ang gagawing sports conference ng mga Olympic stakeholder sa Beijing dahil sa coronavirus outbreak.
Dahil dito ang nasabing pagpupulong na gaganapin mula April 19 hanggang 24 ay gagawin na lamang sa Lausanne, Switzerland.
Magpapalitan kasi ng mga idea ang iba’t ibang sports governing bodies, tatlong buwan bago ang gaganaping Tokyo Olympics.
Samantala, naantala rin ng dalawang buwan ang training ng mga volunteers para sa Tokyo Olympics dahil sa banta ng COVID-19.
Nangangailangan ng 80,000 na volunteer ang nasabing palaro upang masiguro nitong maganda ang magiging takbo nito.
Ang pagpapaliban ng mga trainings aniya ang isa sa mga aksyon ng Tokyo organizers upang maiwasan ang pagkalat ng virus.
Ayon sa mga organizers, tinatayang 200,000 indibidwal ang nag-apply bilang volunteer, nasa 30% nito ay nagmula sa labas ng bansa.
Sa kabila ng banta ng naturang virus, giniit pa rin ng International Olympic Committee, local organizers at ng World Health Organization na hindi kinakailangang i-suspinde ang mga palaro sa kasalukuyan.
Hindi naman inisasantabi ng mga organizers ang posibleng mga pagbabago sa palaro sa kabila nito.
“In accordance with the government’s policy for preventing the spread of infectious diseases, we will also evaluate the immediate need for each games-related event on a case by case basis,” pahayag ng organizers nito.
Magugunitang tiniyak ng Tokyo Olympics organizers, International Olympic Committee at World Health Organization (WHO) na hindi na kailangan pa ang pagpaliban ng Olympics na gaganapin sa Hulyo 24 hanggang Agosto 9.
Kasalukuyan pa ring nakadaong sa Tokyo Bay ang quarantined cruise ship na mayroong 700 kaso at 3 namatay ayon sa tala nito dahil sa virus.
-
Miles Teller Reveals Tom Cruise’s Plans for ‘Top Gun 3’
“TOP Gun 3” could soon be ready for takeoff. Actor Miles Teller has revealed he’s talked with Tom Cruise about filming a third “Top Gun” movie, just days after after the massive success of Top Gun: Maverick, surpassed a staggering $1 billion at the box office. Tom Cruise returned to play […]
-
Contingency funds makakatulong sa mga OFW sa Israel
MAAARING gamitin ng gobyerno ang contingency funds para tulungan ang mga apektadong Pilipino sa Israel matapos pag-atake ang Palestinian Islamist group na Hamas noong Sabado. “Contingent fund may be used for their repatriation and generate jobs for affected Filipinos. The government must come up with economic plans to cushion their abrupt termination of […]
-
Gilas Pilipinas bigo kontra Lebanon, 85-81; 27-pts ni Clarkson nasayang
NABIGO ang Gilas Pilipinas kontra sa Lebanon, 85-81 sa kanilang paghaharap sa 4th window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers kaninang madaling araw. Sa unang quarter ay hawak pa ng Gilas ang kalamangan hanggang sa mahabol ito ng powerhouse team na Lebanon sa laro na ginanap sa Nouhad Nawfal Sports Complex. […]