Operasyon ng mga power generation plant sa Albay, nananatiling normal – Malakanyang
- Published on June 21, 2023
- by @peoplesbalita
NANANATILING normal ang operasyon ng mga power generation plant sa lalawigan ng Albay.
Sinabi ng Presidential Communications Office, (PCO), wala namang problemang naiulat pa sa ngayon sa Albay kung pag- uusapan ay power supply.
Sa katunayan aniya ay normal ang operasyon ng Tiwi Geothermal plant at ang Bac-man geothermal power plant.
Base sa tinatanggap na ulat ng PCO mula sa Department of Energy (DoE) ay maayos din ang power distribution sa probinsiya.
Sa kabila ng nagkaroon ng power interruption sa Anislag Elementary school na ginagamit na evacuation center, kaagad naman aniyang naibalik ang suplay ng kuryente.
Nabatid na “busted transformer” ang sanhi ng brown out dahil sa overloading.
Samantala, maliban dito ay wala na namang nireport pang insidente ng brown out sa ibang bahagi ng lalawigan. (Ara Romero)
-
GCQ sa NCR pinalawig hanggang Agosto 15
Mananatili sa Enhance Community Quarantine (ECQ) ang probinsiya ng Iloilo City, Iloilo province sa Region 6 at Cagayan de Oro at Gingoong City sa Region 10 simula Agosto 1 hanggang Agosto 7, 2021. Ito ang ginawang anunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang national address nitong Miyerkules ng gabi. Inilagay naman […]
-
May pagbaba sa mga krimen sa bansa…n‘OUR STREETS ARE SAFE’ – PNP
SINABI ng Philippine National Police (PNP) na “our streets are safe” matapos na igiit nito na may pagbaba sa mga krimen sa bansa. Sa press briefing sa Malakanyang, tinugunan ni P/Maj. Gen. Roderick Augustus B. Alba, PNP Director for Police Community Relations, ang mga pananaw o persepsyon at mga alalahanin ukol sa mataas na crime […]
-
No. 3 most wanted person ng Navotas, timbog sa Bataan
Isang puganti na nagtago nang halos sampung taon dahil sa pagpatay sa kanyang kapitbahay sa Navotas city ang tuluyan nang naaresto ng pulisya sa isang liblib na lugar sa probinsya ng Bataan. Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas ang naarestong suspek na si Roberto Jiongco, Jr. alyas “Jeje”, 32, welder at […]