• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P100K matatanggap ng magkakampeon sa chess

BINUKSAN na kahapon ang may tatlong araw na 4th annual Chooks-to-Go National Rapid Chess Championships 2021 na nilalaro via online.

 

 

“The event aimed to develop good thinkers through the understanding of chess strategies and tactics,” ani Bounty Agro Ventures  Inc. president at teneral manager Ronald Daniel Mascariñas. “The tournament is also a fund raising activity to help the Rotary Club of Nuvali in its charitable activities.”

 

 

Kumakalansing na P100,000 ang maisusubi ng magkakampeon sa Open division habang ang second hanggang fifth placers ay may biyaya pa ring ng P75,000, P50,000, P30,000 at P25,000, ayon sa pagkakasunod.

 

 

Magagantimpalaan naman ang sixth-10th placer ng P10,000 bawat isa sa pigaan ng utak na tumagal kahapon, Biyernes  (Hunyo 11).

 

 

Samantalang may P10,000 each ang category winners sa Top Under 2100 and below, Top 2000 and below, Top Under 1900 & below, Top 1800 at Top 1700 below. (REC)

Other News
  • Japan naghigpit sa mga atleta na mula sa mga bansang may mataas na kaso ng COVID-19

    Hinigpitan ng Japan ang ilang atleta na manggagaling sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19.     Kinabibilangan ito ng mga atleta na galing sa India, Nepal, Pakistan, Sri Lanka, Maldives at Afghanistan na may naitalang mataas na kaso ng Delta variant.     Nakasaad sa plano na kailangan na mag-swab test ang mga ito […]

  • 3 natagpuang patay sa ginagawang bahay

    NATAGPUANG wala ng buhay sanhi ng mga saksak sa katawan ang tatlong katao, kabilang ang dalawang nursing graduate at isang estudyante sa isang ginagawang bahay sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.   Kinilala ang mga biktima na sina Arjay Belencio y Sarmiento, 22, estudyante; Glydyl Belonio y Mamon, 23, nursing graduate; at Mona Ismael habibolla, […]

  • ON-LINE TAKING SA MGA BAR PASSER IPAPATUPAD NG SC

    ISASAGAWA ng Supreme Court (SC) ang on-line oath taking  sa lahat ng mga nakapasa sa 2019 Bar Examination sa darating na Hunyo 25. Ito ay matapos na aprubahan ng SC ang isang resolusyon  para gawin on-line ang oath taking ang mga bar passer  para maiwasan ang hawahan ng coronavirus disease (COVID-19). Nabatid na nakakonekta rin […]