• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P400K bulto ng pera, kumpiskado sa pasaherong Pinay sa NAIA

INARESTO ng Bureau of Customs-Port NAIA ang isang pasaherong Pinay na tangkang maglabas sa bansa ng P400,000 na walang kaukulang permiso o otorisasyon mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

 

Nilabag ng pasahero ang Manual on Cross Border Local Foreign Exchange Transaction sa ilalim ng circular no.922 series of 2016.

 

Hindi naman pinangalanan ang nasabing pasahero na kasa-lukuyang nakaditine at nahaharap sa kasong kriminal dahil sa paglabag sa Section 36 ng New Central Bank Act (NCBA) at Section 1401 ng Customs Modernization and Tariff Act na may penalty na hindi bababa sa P50,000 pero hindi lalagpas sa P200,000 o pagkakakulong ng hindi bababa sa dalawang taon o higit sa sampung taon o pareho depende sa korte.

 

Pinayuhan naman ng BOC ang publiko na ang cross border transaction ng local currency, kung ang pag-export o import ng pera na lalagpas sa P50,000 ay kailangan ng written priority authority mula BSP. (Daris Jose)

Other News
  • 3,012 BUSINESS ESTABLISHMENT NAGHAIN NG TEMPORARY CLOSURE

    NAGHAIN sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang may 3,012 na mga establishment ng temporary closure matapos na maapektuhan ng COVID-19 pandemic.   Ayon kay DOLE Sec. Silvestre Bello III,nangangahulugan umano ito na mawawalan ng trabaho pansamantala ang may 100,000 empleyado.   Una nang sinabi ni Bello na aabot sa may 2.7 milyon workers […]

  • Car seats para sa mga bata ipapatupad

    Sinimulan kahapon ng Land Transportation Office (LTO) ang pagpapatupad ng restraining car seats para sa mga batang may edad 12 pababa sa mga pribadong sasakyan sa ilalim ng Republic Act 11229 o ang tinatawag na Child Safety in Motor Vehicles Act.     Sa ilalim ng Child Car Seat Law na nilagdaan ni President Duterte […]

  • Top 10 most wanted person ng Valenzuela, nadakma

    KINALAWIT ng pulisya ang isang lalaki na nakatala bilang top 10 most wanted matapos masuko sa isinagawag manhunt operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.     Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., ang naarestong akusado na si alyas “Dennis”, 33 ng Brgy., Punturin ng lungsod.     Sa kanyang report kay Northern […]