• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P6.9 MILYON HALAGA NG SHABU GALING SA SOUTH AFRICA, NABUKING SA PACKAGE

TINATAYANG P6.9 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng pinagsamang pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Bureau of Custom (BoC) at Cavite Police sa isang package na ipinadala galing sa South Africa na ipinadala sa isang recipient  sa  Imus City, Cavite, Lunes ng hapon.

 

 

Kinilala ang inaresto na tumanggap ng package na  si Razel John Manuel, 22 ng Green Gate Home Phase 2, Block 30 Lot 6 Malagasang 2B, Imus City, Cavite habang pinaghahanap din ng awtoridad si Louis A. Diaz.

 

 

Nag-ugat ang pag-aresto kay Razel sa isang package na naglalaman ng kahina-hinalang illegal na droga galing sa Johannesburg, South Africa na dumating sa Port of Clark noon March 11, 2022 at naka-consignee sa isang Louis A. Diaz na idi-deliver sana sa kanyang address sa Angeles City, Pampanga.

 

 

Dahil walang tatanggap sa  address ni Diaz sa Angeles City, ni-redirect ng courier service ang package sa Imus City, Cavite dahilan upang magsagawa ng operasyon ang pinagsamang pwersa ng PDEA PRO III- Pampanga PPO, PDEA PRO IV-A RSET 2, PDEA PRO- Ill Clark Inter Agency Drug Interdiction Task Group, PDEA Cavite Provincial Office, BOC Port of Clark, Imus City Police Station at  AVSEU3 sa  Green Gate Phase 2 Malagasang 2B, Imus City dakong alas-5:50 kamakalawa ng hapon.

 

 

Ayon sa PDEA, hindi rin lumutang si Diaz (Consignee) sa nasabing lugar subalit may authorization letter sa Razel na maaari nitong tanggapin ang nasabing package na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto.

 

 

Nabatid na  sinabihan umano ni Diaz ang Nanay ni Razel na mayroon itong package na darating at dahil nagtratrabaho ang Nanay ng naaresto kaya siya na lamang ang binigyan ng authorization upang tanggapin ang nasabing package.

 

 

Sinasabing si Diaz at ang pamilya Manuel ay dati umanong magkapitbahay.

 

 

Narekober sa lugar ang isang package na naglalaman ng isang kilo ng hinihinalang shabu na may street value na P6,900,000, isang Identification Card at isang authorization letter.

 

 

Kasong paglabag sa Section 4 (Importation of dangerous drugs ) ng RA 9165 ang kinakaharap na kaso ng Consignee na si Diaz at sa tumanggap ng package na si Razel. GENE  ADSUARA

Other News
  • Ads March 31, 2021

  • Holmqvist at Enriquez patatalimin ng Ginebra

    MAAARING wala sa hinagap ng mga kalaban ang unang dalawang biningwit ng Barangay Ginebra San Miguel sa virtual 36th Philippine Basketball Association Draft 2021 nitong Marso 14 sa TV5 studio sa Mandaluyong.     Kinalabit ng Gin Kings sa paggamit ng 12th pick sa first round ang si 6-foot-8 center na Ken Holmqvist. Isinunod pagkaraan […]

  • P50 milyon inilaan ng Kamara sa COVID-19 vaccine

    Naglaan ang Kamara ng P50 million mula sa kanilang internal funds para sa COVID-19 vaccination ng kanilang empleyado,  House media at lima sa pamilya ng mga ito sa oras na maging available na ang bakuna sa Pilipinas.   Mismong si Speaker Lord Allan Velasco ang nag-anunsyo nito sa isang media forum.   Gayunman, sinabi ni […]