Pacquiao ‘welcome’ na presidential bet sa 1Sambayan
- Published on July 17, 2021
- by @peoplesbalita
Posibleng maging presidential candidate sa 2022 elections ng 1Sambayan si Sen. Manny Pacquiao.
Sinabi ni Fr. Albert Alejo, isa sa convenors ng coalition na kung mayroong mga kaibigan si Pacquiao na magno-nominate sa 1Sambayan ay welcome ito.
Kung may mag-nominate man sa senador ay tatanungin siya kung handa siya na sumailalim sa selection process ng 1Sambayan at kung pumayag si Pacquiao ay saka siya iinterbyuhin at sasailalim sa screening ayon sa criteria ng kanilang grupo.
Nauna nang sinarado ng grupo ang kanilang pintuan sa posibilidad na maging nominado ang mambabatas sa pagka-presidente o bise Presidente.
Matatandaan na maging si retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio ay nagsabi na kulang si Pacquiao sa kakayahan dahil sa palagi itong absent sa kongreso at hindi maaaring ikonsidera para sa 2022 national elections dahil kaalyado rin siya ng administrasyong Duterte. (Gene Adsuara)
-
Koleksyon mula sa WISP, pumalo sa P35.84B
PUMALO na sa P35.84 billion ang kabuuang member savings collection mula sa Workers’ Investment and Savings Program (WISP). Ang nasabing koleksyon ay mula sa 4.9 milyong miyembro ng pension fund sa panahon ng pangalawang taon ng implementasyon ng programa. Sa isang kalatas, sinabi ni SSS president at CEO Rolando Ledesma Macasaet na ang savings collection […]
-
Ads November 4, 2021
-
PBBM, personal na dinalaw ang mga taga-Cam Sur na naapektuhan ng bagyong Kristine
PERSONAL na kinumusta ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga komunidad na apektado ng Bagyong Kristine sa Bula, Camarines Sur, at kanyang tiniyak ang patuloy na suporta ng pamahalaan hanggang sa kanilang tuluyang pagbangon. Kasama ang DSWD, namahagi ang Pangulo ng cash assistance at karagdagang food packs para maalalayan ang mga […]