• December 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pag-deliver ng COVID vaccines sa buong mundo, ‘mission of the century’ –

Malaking problema raw ang kakaharapin ng mga bansa sa buong mundo kung sakaling magsimula na ang paghahatid sa mga nadiskubreng mga bakuna laban sa coronavirus.

 

Ayon sa International Air Transport Association (IATA) malaking problema ang kakaharapin ng airline industry dahil sa kanilang pagtaya aabot sa 8,000 mga dambuhalang Boeing 747s ang kakailanganin.

 

Bagamat wala pang aprubado na COVID-19 vaccine, ngayon pa lamang naghahanda na ang international air transport kung papaano isasagawa ang paghahatid ng mga eroplano, paghahanda sa mga airports para sa tinaguriang “global airlift plan.”

 

Tinawag ng chief executive ng organisasyon na si Alexandre de Juniac ang gagawing ito bilang “mission of the century.”

 

Ito kasi ang mangyayari sa global air cargo industry bunsod na mag-aagawan ang mga bansa sa buong mundo para sa mauunang delivery ng bakuna laban sa deadly virus.

 

Una nang iniulat ng WHO na halos 200 mga nadikubre na COVID vaccines ang sumasailalim ngayon sa mga pagsusuri sa maraming mga bansa bago pumasa bilang bakuna.

Other News
  • Animam nasa EWP na

    Desidido si Jack Animam na makapasok sa Women’s National Basketball Association (WNBA) matapos sumama sa East West Private (EWP).     Ang EWP ang parehong agency na humahawak at nagsasanay kina Kai Sotto, Kobe Paras at Cholo Anonuevo sa Amerika.     Kaya naman pumirma na rin si Animam sa EWP na makakatulong nito upang […]

  • 25 NBA players at 10 staff nagpositibo sa COVID-19

    Pumalo na sa 25 NBA players ang nagpositibo ng COVID-19 mula ng magsimula ang malawakang testing noong nakaraang linggo.   Ito mismo ang ibinunyag ng NBA at National Basketball Players Association kung saan mula noong Hunyo 23 ay nasa 351 na mga manlalaro ang kanilang sinuri.   Siyam ang nagpositibo dito ng COVID-19 mula sa […]

  • Ayaw i-reveal kung ano ang magiging partisipasyon: RURU, walang problema na kasama na si MIGUEL sa ‘Running Man Philippines 2’

    AYAW i-reveal ni Ruru Madrid kung ano ang magiging partisipasyon niya sa season 2 ng ‘Running Man Philippines’ (RMP) na kasalukuyang nagte-taping ngayon sa South Korea. “Ay! Abangan! Abangan!” ang nakangiting pakli ni Ruru sa interview sa kanya sa wedding anniversary party nina Gladys Reyes at Christopher Roxas. Samantala, tulad ng alam na ng publiko, dahil […]