PAGBABAKLAS NG ILEGAL CAMPAIGN MATERIALS TULOY SA PAMPUBLIKONG LUGAR
- Published on March 11, 2022
- by @peoplesbalita
MAGPAPATULOY lamang sa pampublikong lugar ang pagbaklas ng iligal na campaign materials o ang “Oplan Baklas” ng Commission on Elections (Comelec).
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez ,ang sinuspinde lamang ng Korte Suprema ay ang pagbaklas sa mga campaign materials sa pribadong pag-aari kasunod ng inilabas na temporary restraining order (TRO)
“During the discussion of the Commission en banc earlier, it was agreed, of cours e, that we will honor the TRO issued by the Supreme Court. We will continue with our Baklas Operations in public spaces as it is required by law,” pahayag ni Jimenez sa press briefing.
Nakikipag-ugnayan na rin aniya ang Comelec sa Office of the Solicitor General (OSG) tungkol sa kanilang komento sa kaso.
Naglabas ng TRO ang Korte Suprema laban sa Comelec at sa kampanya nito na lansagin ang mga illegal election posters.
Inilabas ang kautusan bilang tugon sa petisyon ng ilang indibidwal na sumusuporta sa kandidatura ni Vice President Leni Robredo sa pangkapangulo para sa May 2022 election .
Binigyan ng korte ang Comelec ng hindi lalagpas sa 10 araw upang nagsumite ng kanilang komento. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
PSA magsisimulang mangolekta ng data sa Hulyo 15 para sa 2024 census
NAKATAKDANG mag-deploy ang Philippine Statistics Authority (PSA) ng 70,000 enumerators sa iba’t ibang bahagi ng bansa para mangolekta ng impormasyon kaugnay sa populasyon ng bansa at listahan ng mga benepisaryo ng ‘social protection initiatives.’ Sinabi ng PSA na ang enumeration period ay opisyal na magsisimula sa susunod na Lunes, Hulyo 15, 2024, matapos ipag-utos ni […]
-
6 drug suspects nadamba sa buy bust sa Valenzuela
REHAS na bakal ang kinasadlakan ng anim na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga matapos matimbog sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela city, kahapon ng madaling araw. Sa imbestigasyon ni PCpl Christopher Quiao, dakong 3:20 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) […]
-
‘Paggamit ng laway para sa COVID-19 test, pinag-aaralan na ng DOH’
Kinumpirma ni Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na pinag-aaralan na ng DOH ang paggamit ng saliva o laway upang malaman kung carrier ng coronavirus ang isang indibidwal. Ayon kay Vergeire, binubusisi pang mabuti ng ahensya kung magiging feasible ang ganitong test sa Pilipinas kaysa sa nakagawiang pagkuha ng nasal at blood samples. […]