Pagbabalik ng limited face-to-face, hindi sapilitan- CHeD
- Published on February 5, 2021
- by @peoplesbalita
HINDI magiging sapilitan at magiging boluntaryo lamang ang mga gustong pumasok na mga mag-aaral sa pagbabalik ng limited face-to-face classes para sa medical and allied courses.
Nilinaw ni Commission on Higher Education Chairman Prospero De Vera na walang sapilitan sa bagay na ito.
Kahit aniya inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang resumption ng limited face-to-face classes para sa medical and allied courses ay hindi pipilitin ang mga mag-aaral na ayaw mag-face-to-face at kailangan silang bigyan ng alternatibo ng kanilang mga pamantasan o unibersidad.
Sadya lamang aniyang may mga subjects kasi na kailangan talaga ang mga estudyante ay maka-interact lalo na sa mga pasyente kaya’t isinulong ang pagpapatupad nito.
Subalit, tanging sa mga pamantasan o unibersidad na nasa ilalim ng MGCQ at GCQ ang saklaw ng kautusan at magiging limitado lamang ito para sa mga estudyanteng may edad 20 taong gulang pataas.
Aniya, kinakailangan ding mag-apply ang isang eskwelahan na nais magpatupad ng limited face-to-face classes para sa medical and allied courses sa kanilang CHED offices at ito ay idadaan sa ebalwasyon para mabatid kung pasado sa pamantayan ng Inter-Agency Task Force (IATF). (Daris Jose)
-
Masaya sa tinatakbo ng career ni Dolly: JAKE, gumagawa na rin ng ingay sa Hollywood
NAG-CELEBRATE ng kauna-unahang drag journey anniversary ang Drag Race Philippines Season 1 winner na si Precious Paula Nicole. Isang thanksgiving show ang hinandog ni Precious na may title na “Precious Journey-versary” sa Empty Stomach noong nakaraang linggo. On Instagram, pinost ni Precious ang ilang unforgettable moments ng gabing iyon. […]
-
Bloke-blokeng marijuana, nasabat sa kelot sa Tondo
KUMPISKADO ang higit P200-libo halaga ng bloke blokeng marijuana mula sa isang suspek na nadakip sa isang operasyon sa Tondo. Ayon sa pulisya na kinilala ang suspek na si Edward Figueroa, 37, may-asawa at residente sa Nava St., sakop ng Balut, Tondo na nahulihan ng mga bloke ng umanoy marijuana na may bigat na […]
-
VP Robredo naka-quarantine, close-in bodyguard nagka-COVID-19
Kusang nag-quarantine si Vice President Leni Robredo matapos ma-expose sa kanyang close-in security detail na nagpositibo sa COVID-19. Sa Facebook post ni Robredo, sinabi nito na handa na sana siyang umuwi sa Bicol nang makatanggap ng tawag mula sa contact tracer na positibo ang kanyang close-in security. “I was all set […]