• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagkalat ng ‘mutated’ COVID-19, pinipigil na ng DOH

Nagsasagawa na ngayon ng aksyon ang Department of Health (DOH) sa Central Visayas para mapigilan  at hindi na kumalat ang natuklasang dalawang ‘mutated’ na COVID-19.

 

 

“The DOH recognizes the potential public health implications of these reported mutations in samples from Region 7. The Center for Health Development (CHD) in Central Visayas has initiated measures to contain the transmission in the region and investigation to characterize the cases and areas of concern,” ayon sa pahayag ng DOH kahapon.

 

 

Magpapadala pa ng dagdag na samples ang DOH-Region 7 sa Philippine Genomic Center (PGC) para makakuha pa ng mga karagdagan rin na mga detalye ukol sa dalawang mutation na inisyal na binansagang  E484K at N501Y.

 

 

“We would like to emphasize that our biosurveillance efforts extend beyond this enhanced response in Region 7 and is inclusive of all regions to give us better national and regional pictures of these mutations and variants,” ayon pa sa DOH.

 

 

Sinabi rin ni Health Secretary Francisco Duque III na masyado pang maaga na iugnay ang dalawang bagong diskubreng mutation sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Region 7. Sinabi ng kalihim na isang factor ang pagtaas ng mobility ng mga tao nang ilagay ang rehiyon sa ‘modified general community quarantine’.

 

 

“Yan sa tingin ko ang posibleng dahilan pero pwedeng hindi lang siya ang dahilan, posibleng marami ring dahilan kaya kailangan ng mas malalimang pagsusuri para malaman natin kung ang pagtaas na ito ay dahil sa isang factor or pangalawang factor or combination ng factors,” pahayag pa ni Duque.

 

 

Ipinaliwanag ng DOH na natural na nagkakaroon ng mutation ang mga viruses, maging kapag nasa loob na ng katawan ng tao. Iba’t iba rin ang epekto ng mga mutation kung saan maaaring hindi naman nakasasama. (Daris Jose)

Other News
  • ASEAN Basketball League tuluyan nang kinansela ngayong taon

    Tuluyan ng kinansela ng ASEAN Basketball League ang bagong season ngayong taon dahil sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.   Ayon sa liga, na kanila ng itutuloy ang mga laro sa 2021.   Labis kasi naapektuhan ang liga sa ipinatupad na lockdown kaya minabuti nilang kanselahin na lamang ang season.   Magugunitang noong Marso 13 […]

  • MIKEE, umaming naging gamot ang ‘BTS’ nang dumaan sa matinding krisis dahil sa pandemya

    ANG South Korean boy band na BTS ang naging gamot ng Kapuso actress na si Mikee Quintos noong dumaan siya sa isang matinding krisis dahil sa pandemya.     Kuwwento ng isa sa music artists ng GMA Playlist, nagsimula siyang mag-collect ng BTS mechandise dahil napapagaan nito ang kanyang kalooban. Masaya raw siya tuwing may nabibili […]

  • Suspek sa pagpatay sa opisyal ng HPG, nasa Camp Crame na

    SUMUKO na ang driver ng negosyanteng nakaengkuwentro ng mga tauhan ng Cavite Provincial-Highway Patrol Team na ikinamatay ng isang opisyal at ng suspek matapos silang sitahin dahil walang plaka ang sinasakyang Nissan Terra sa Manila -Cavite Road Barangay 8, Pulo 3, Cavite City.   Ang suspek na dinala kaninang umaga ng mga tauhan ng SOD- […]