Pagpapaliban ng Brgy., SK polls sa Disyembre 2023, aprub sa House
- Published on August 18, 2022
- by @peoplesbalita
INAPRUBAHAN ng House committee on suffrage and electoral reforms ang mosyon na ipagpaliban ang halalan para sa barangay at Sangguniang Kabataan na nakatakdang gawin ngayong Disyembre 5, 2022.
Sa pagdinig ng komite, isinuwestiyon ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr. na magkaroon muna ng consensus kung ipagpapaliban o hindi ang nalalapit na halalan bago talakayin kung kalian ito itutuloy.
Matapos buksan ang isyu sa motion to postpone ang eleksyon, inihayag naman nina Alliance of Concerned Teachers party-list Rep. France Castro at Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel ang kanilang pagkontra sa pagpapaliban ng halalan na naging dahilan para magpatawag ng botohan si committee chair at Mountain Province Rep. Maximo Dalog Jr.
Sa ginanap na nominal voting, 12 miyembro ng komite ang pabor sa panukala na pagpapaliban ng eleksyon habang hindi pabor sina Castro at Manuel.
Makaraang naaprubahan ang mosyon, isinulong naman ni Barzaga na ideklara ang petsa para sa susunod na barangay at Sangguniang Kabataan elections sa unang Lunes ng December 2023 na sinigundahan naman ng ibang mambabatas.
Bago ang panimula ng pagdinig, mahigit sa 30 panukalang batas ang para sa suspension ng eleksyon dala ng iba’t ibang dahilan tulad nang paggamit ng pondo nito para sa COVID-19 response, pag-iwas na magkaroon ng dalawang eleksyon sa loob ng isanga taon at mabigyan ng panahon ang mga guro na makapagpahinga matapos manilbihan bilang miyembro ng election board nitong May 9 elections. (Ara Romero)
-
Voter’s registration pinalawig ng 2 oras, kahit holiday pwede na rin – Comelec
Pinalawig pa ng dalawang oras ng Commission on Elections (Comelec) ang schedule ng voter registration bilang paghahanda sa national at local elections sa 2022. Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, mula Martes hanggang Sabado bukas ang mga opisina ng Election Officers sa buong bansa para tumanggap ng mga magpapa-rehistrong botante. Alas-8:00 […]
-
Ads August 2, 2021
-
4 timbog sa Valenzuela buy-bust
NASAKOTE ang apat na drug suspects, kabilang ang isang byuda matapos makuhanan ng higit sa P176K halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy- bust operation ng pulisya sa Valenzuela City. Ayon kay Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega, alas- 10:45 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcemen […]