• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagpunta ni MAX sa US, mas umugong ang balitang may problema sila ni PANCHO

HABANG nagbabakasyon si Max Collins sa US, dumalo ito sa advanced screening ng Marvel film na Eternals in Los Angeles, California.

 

 

Pinost ni Max sa kanyang IG Stories ang pag-attend niya ng naturang screening sa El Capitan Theatre suot ay black leather dress at kasama niya sa red carpet ay ang model-turned-film director na si Janina Manipol. 

 

 

Dahil sa paglipad sa US ni Max, lalong lumakas ang usapan na baka nga may problema ang pagsasama nila ng mister niyang si Pancho Magno. Pero quiet pa rin si Max tungkol dito.

 

 

Sayang din at hindi naka-attend si Max sa wedding ng To Have and To Hold co-star na si Carla Abellana kay Tom Rodriguez.

 

 

Bisitahin kaya ni Max si LJ Reyes sa New York? Biro ng isang netizen na puwede raw silang nagdamayan, yun ay kung totoong may marital problems si Max.

 

 

***

 

 

HABANG hindi abala si Jericho Rosales sa paggawa ng teleserye, tumutulong sila ng kanyang misis na si Kim Jones sa paggawa ng mga bahay para sa mga naging biktima ng Bagyong Ulysses noong nakaraang taon

 

 

“It’s been almost a year since typhoon Ulysses devastated many parts of our country, including Marikina and Cagayan. We’re happy to share that with the help of one of the best titas of Manila [Marinez Elizalde], our friends too many to mention, and you who donated to the cause, Ulysses Relief Fund [was] also able to help build 20 houses for 20 families to Project Salinong in Baggao, Cagayan,” post ni Jericho sa social media.

 

 

Masayang-masaya ang mag-asawa dahil very grateful ang mga nabibigyan nilang mga pamilya ng bagong tahanan.

(RUEL MENDOZA)

Other News
  • Rep. Teves, iniimbestigahan na sa Degamo slay

    ISINASAMA na sa imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) si Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr. ukol sa pagpaslang kay Governor Roel Degamo.     Sinabi ito ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nang tanungin sa isang panayam ang posib­leng pagkakasangkot ng mambabatas.     “We are […]

  • Ads November 17, 2021

  • 17-anyos football player ng Miriam College, namatay dahil sa COVID-19

    Patay matapos dapuan ng coronavirus ang 17-anyos na football player ng Miriam College na si Yana Bautista.   Kinumpirma ito ng kaniyang kapatid na miyembro ng Philippnie women’s national football team.   Sinabi nito na unang nadiagnosed ito ng Acute Disseminated Encephalomyelitis (ADEM) hanggang nagkaroon ng kumplikasyon sa COVID-19.   Agad itong dinala sa intensive […]