Pagrerehistro ng e-bike minungkahi ng LTO
- Published on December 9, 2023
- by @peoplesbalita
ISANG mungkahi ang isusumite ng Land Transportation Office (LTO) sa Department of Transportation (DOTr) upang magkaroon ng mandatory registration ng mga electronic scooters at e-bicycles kahit na ano pa mang vehicle capacity nito.
Sa ilalim ng panukala, ang mga rehistradong electronic scooters at e-bicycle sa LTO lamang ang maaaring dumaan at gumamit ng mga public roads.
Nakalagay sa LTO Administrative Order 2021-035, electronic vehicles na may maximum speed na mas mababa sa 25 kilometers ay hindi naman kailangan magparehistro sa LTO.
“There should be no speed limitation. For as long as these vehicles are used in public roads, they should be registered. We understand the side of manufacturers and importers and the public but the law is law,” wika ni assistant secretary Vigor Mendoza III.
Ayon kay Mendoza, ang pagrerehistro ng mga e-vehicles ay makakatulong sa road safety lalo na kung ang nasabing mga sasakyan ay nasangkot sa aksidente.
Ang motoristang mahuhuli na may unregistered vehicles ay papatawan ng multang P10,000. Hindi rin papayagan na magmaneho ang minors ng e-vehicles.
Sinabi naman ni Mendoza na may 12.9 milyon na motorcycles sa buong bansa ang hindi nakarehistro. Sa isang public hearing na ginawa ng Senate justice committee na pinangungunahan ni Sen. Francis Tolentino sa isang pagtalakay sa proposed amendments ng Republic Act 11225 o ang tinatawag na Motorcycle Crime Prevention Act, sinabi rin ng LTO na may 2 milyon na kotse at trucks ang hindi rin nakareshitro.
Isa sa mga dahilan ng hindi pagrerehistro ay nakakalimutan nila o di kaya ay hindi nare-renew dahil sa kabiguang mag transfer ng ownership pagkatapos mabili ang sasakyan.
Mula sa datos ng LTO, ayon kay Mendoza mayron lamang na 13.9 milyon mula sa kabuuhang 38 milyon na four-wheeled na sasakyan at motorcycles na tumatakbo ang registrado as of 2003.
Minungkahi naman ni Senator JV Ejercito na siyang may akda sa amendments ng RA 11235 na dapat ang multa sa hindi pagrerehistro ng sasakyan ay dapat ibaba.
“The penalty of imprisonment for violating RA 11235 is too harsh and discriminatory to motorcycle owners,” saad ni Ejercito. LASACMAR
-
15 sabungero arestado sa tupada sa Caloocan at Malabon
Labing-limang katao ang arestado matapos ang isinagawang magkahiwalay na anti-illegal gambling operation ng pulisya sa Caloocan at Malabon cities. Kinilala ang naarestong mga suspek na si Francis Iquiran, 26, collector/kasador, Romeo Rioflorido, 44, Jojo Palogan, 48, Deolng Manggaporo, 48, Eduardo Cabillo, 26, Domingo Kionisala, 46, Jesus Delavin, 55, Raquel Cirera, 65, Rolando Verso, 46, […]
-
IVANA, matunog na matunog at kasama rin sa hula sina DENISE at JANELLA na posibleng maging ‘Valentina’
MAKIKILALA na ngayong araw kung sino ang napili para sa iconic villain role na si Valentina sa Darna: TV Series na pagbibidahan ni Jane de Leon. Matunog na matunog nga ang pangalan ni Ivana Alawi at may nagwi-wish na sana ay si Denise Laurel na isang magaling na aktres at type din nila […]
-
Carlos Yulo nasungkit ang world championship gold medal sa vault
Nasungkit ni Carlos Yulo ang kanyang kauna-unahang gintong medalya matapos na namayagpag sa men’s vault event sa 2021 FIG Artistic Gymnastics World Championships sa Kitakyushu City Gymnasium sa Japan ngayong araw. Nagtapos ang 21-anyos ng average na 14.916 na pinalakas pa ng kanyang 15.033 score sa second vault matapos na makapagtala ng 14.800 […]