PAGSASARA SA MGA SHOPPING MALLS, PINAG-AARALAN PA
- Published on March 18, 2021
- by @peoplesbalita
WALA pang plano ang pamahalaang Lungsod ng Maynila para sa pansamantalang pagsasara ng mga shopping malls at iba pang establisimyento sa lungsod.
Ginawa ang paglilinaw kasunod na rin ng mga kumakalat na ulat sa social media hinggil dito.
Tiniyak din na ang hospital occupancy rate ng lungsod at ang 36 porsyento ay malayo sa critical level.
“The Manila Public Information Office (MPIO) would like to clarify that Ordinance No. 8617 or the temporary closure of all malls and similar establishments in the City of Manila was implemented last year,” ayon sa official facebook page ng Manila City Hall.
Nilinaw din ng MPIO na ang ordinansa na ni-rehash o binago ay inilabas pa noong March 17, 2020, nang isailalim ang Metro Manila sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa kasagsagan ng Covid-19 pandemic. (GENE ADSUARA)
-
No. 40 top most wanted person ng PRO 3, nabitag ng NPD sa Valenzuela
NALAMBAT ng mga operatiba ng District Special Operations Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) ang isang lalaki na listed bilang No. 40 top most wanted ng PRO 3 sa kanyang tinitirhan sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni DSOU chief PLt. Col. Rommel Labalan ang naarestong akusado bilang si Bonifacio Clemente, 51, […]
-
PCO Sec. Chavez, inatasan ni ES Bersamin na maghanap na ng iuupong bagong PTFOMS
SINABI ni Presidential Communications Office Secretary Cesar Chavez na inatasan na siya ni Executive Secretary Lucas Bersamin na maghanap ng magiging kapalit ni dating presidential task force on media security o PTFOMS executive director Paul Gutierrez sa lalong madaling panahon. Sa isang ambush interview sa Malakanyang, sinabi ni Chavez, kung siya ang tatanungin, gusto […]
-
Paggamit ng vape sa indoor public places, papatawan ng multa na P5K-P20K
PAPATAWAN ng mabigat na parusa ang mga mahuhuling maninigarilyo ng vapes sa indoor public places kabilang na sa government offices, mga paaralan, paliparan at simbahan. Sa inisyung department administrative order ng Department of Trade and Industry (DTI) na nagsasaad ng implementing rules and regulations (IRR) ng Republic Act No. 11900 o ang Vaporized […]