• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Palm Sunday message ni Pope: ‘Let go of our regrets’

Sa ikalawang sunod na taon sa kabila ng coronavirus pandemic, pinangunahan pa rin ni Pope Francis doon sa Vatican ang Palm Sunday mass na siyang hudyat ng pagsisimula ng Holy Week.

 

 

Idinaos ang nasabing misa sa loob ng Saint Peter’s Basilica kung saan limitado ang mga congregation na nakiisa, habang milyon pa rin naman ang sumubaybay sa pamamagitan ng customary global television at radio broadcasts at live streaming.

 

 

Sa Homily ng 84-year-old pontiff, ipinaliwanag nito ang kaibahan ng admiration o paghanga sa amazement o pagkamangha.

 

 

Ayon sa Santo Papa, ang paghanga ay maaaring maging komplikadong salita dahil sinusunod lamang nito ang pansariling interes at expectation ng isang tao. Habang ang labis na pagkamangha ay may malalim na kahulugan kung saan tatanggapin pa rin nito sakaling may magbago man sa dating hinahangaan.

 

 

“We have to go be beyond admiring Jesus, (and) follow in his footsteps, to let ourselves be challenged by him; to pass from admiration to amazement,” wika ng Mahal na Papa.

 

 

Nanawagan din si Pope Francis na mas palakasin pa ang ating pananampalataya kung saan magtiwala na ang pagmamahal ng Diyos ay may kaakibat lagi na kapatawaran.

 

 

Sana aniya ay maging bukas ang mga mata ng mga Katoliko sa pagbitiw sa mga disappointments sa buhay na siyang posibleng dahilan kung bakit nahihirapan na makapagsimulang muli sa buhay.

Other News
  • 2 TIMBOG SA HIGIT P200K SHABU

    DALAWANG hinihinalang sangkot sa ilegal kabilang ang isang 16-anyos na binatilyo ang arestado sa magkahiwalay na drug operation ng pulisya sa Caloocan at Navotas Cities.   Ayon kay Caloocan police chief Col. Dario Menor, alas-3:40 ng madaling araw, nakatanggap ng tawag ang Caloocan Police Sub-Station 5 mula sa concerned citizen hinggil sa nagaganap umanong illegal […]

  • Pagpaparehistro ng SIM card, dapat gawing madali para sa mga senior citizen – Poe

    PINAALALAHANAN  ni Senator Grace Poe ang telecommunication companies at National Telecommunications Commission (NTC) na dapat tiyakin na maging madali ang pagpaparehistro ng Subscriber Identity Module (SIM) card para sa mga senior citizen kasabay ng pagsisimula na bukas, Disyembre 27 ng mandatory SIM registration.       Ayon sa Senadora dapat na ang Sim registration ay […]

  • 14 KABABAIHAN NASAGIP, 4 ARESTADO SA HUMAN TRAFFICKING

    NASAGIP  ng mga ahente ng  National Bureau of Investigation- Special Task Force (NBI-STF) ang 14 kababaihan at arestado naman ang  apat na indibidwal na sangkot sa human trafficking sa Lipa City Batangas .       Kinilala ni NBI Officer-In-Charge (OIC) Director Eric B. Distor ang mga naarestong suspek na sina Wilson Ebreo, Alora Almoguera, […]