• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pangulong Duterte, hinikayat ang simbahan na suspendihin ang Traslacion 2022, misa

HINIKAYAT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang suspensyon ng mass gatherings, kabilang na ang tradisyonal na Traslacion at misa para sa Itim na Nazareno, dahil sa patuloy na tumataas na kaso ng COVID-19 infections sa bansa.

 

 

“Itong procession na ito, it’s a very important event for the Roman Catholic Church. Now, I have to appeal to them for their understanding and to really look at it in the broader context of our liability to the people if we do not act correctly,” ayon sa Pangulo sa kanyang Talk to the People, Martes ng gabi.

 

 

“Our job is really to come out with critical decisions to protect public health and public safety. Kung nakikinig ang Roman Catholic Church [If the Church is listening], I am now appealing to you to forego and cancel all physical gatherings including the procession and the celebration of mass sa church because marami ‘yan sila,” anito.

 

 

Hindi naman lingid sa kanyang kaalaman na milyong katao ang deboto ng Itim na Nazareno at hindi dapat na maging kampante ang lahat sa transmission ng nasabing sakit.

 

 

“Sana maintindihan ako ng Roman Catholic na all gatherings are not allowed,” aniya pa rin.

 

 

“Piliin po natin makilahok dito sa ating mga bahay na lamang upang maiwasan ang pagkahawa at pagpasa ng sakit,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Inulit naman ng Chief Executive ang sentimyento ng Department of Health, na umapela ng supensyon ng taunang prosesyon ng Pista ng Itim an Nazareno.

 

 

“Dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso nitong mga nakaraang araw, nanawagan po kami na isuspinde muna ang mga mass gatherings kasama po dito ang darating na pagdiriwang ng Traslacion,” ayon kay Health Secretary Francisco Duque.

 

 

Tuwing ika-9 ng Enero, ipinagdiriwang ng mga deboto ang Pista ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Maynila. Dinudumog ng mga tao ang patron ng Quiapo, ang Nuestro Padre Nazareno.

 

 

Ang imahen ng Itim na Nazareno ay kasinglaki ng tao, may maitim ang balat  at nililok ng isang Aztec na karpintero bago binili ng isang paring taga-Mexico noong panahon ng Kalakalang Galeon.

 

 

Ang mga deboto ng Itim na Nazareno ay nagsisimba tuwing Biyernes at tuwing Enero 9, ipinagdiriwang ang kapistahan ng patron, kung saan itinuturing ito bilang isa sa pinakamalaki at tanyag na kapistahan sa Pilipinas. (Daris Jose)

Other News
  • DOH: Bagong COVID-19 cases sa PH, 3,564; total count, 342,816

    AABOT sa mahigit 3,000 bagong kaso ng COVID- 19 ang nadagdag sa listahan ng Department of Health (DOH).   Ngayong araw, 3,564 ang additional cases, kaya umakyat pa ang total sa 342,816.   Ayon sa ahensya, 13 laboratoryo ang bigong mag-sumite ng kanilang report sa COVID-19 Data Repository System.   Mula sa mga bagong kaso […]

  • Malakanyang, pinamamadali sa NTC ang pagsusumite ng evaluation report

    IPINAG-UTOS ng Malakanyang sa National Telecommunications Commission (NTC) ang mabilisang pagsusumite ng evaluation report ukol sa mga ginagawa umanong pagsasaayos at pagpapalakas ng signal ng mga network company sa bansa.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa ring nakaantabay ang kanyang opisina sa official evaluation na ito mula sa […]

  • IMMIGRATION, INILAGAY SA HEIGHTENED ALERT NGAYON HOLIDAY SEASON

    INILAGAY sa heightened alert ng Bureau of Immigration ang lahat ng kanilang mga tauhan sa iba’t ibang ports of entry nitong holiday season.   Dahil dito, ipinag-utos ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang kanyang mga immigration officers na naka-deploy sa iba’t ibang international airports at seaports na magdagdag ng karagdagang pagbabantay sa mga padating at […]