Paniniwala ni Sec. Concepcion, puwede nang hindi magpatupad ng Alert Level system pagdating ng Marso o Abril
- Published on February 2, 2022
- by @peoplesbalita
NANINIWALA si Presidential Adviser on Entrepenurship Joey Concepcion na makakaya na ng gobyerno na hindi na magpatupad pa ng alert level system pagsapit ng Marso o Abril.
Sinabi ni Concepcion na nasanay na kasi aniya ang mga tao sa mga ipinatutupad na health safety protocol sa nakalipas na 22 buwan.
Sa Laging Handa Public briefing, sinabi ni Concepcion na pabagsak na ang level of infection na nililikha ng Omicron variant ang ang naging pasiya ng IATF na alisin na ang quarantine restrictions sa mga turista at OFW ay isang indikasyon na nagsisimula na tayong mag-move on.
Maituturing aniyang “good news” na naibalik na rin ang maraming lugar sa Alert level 2 gaya ng NCR habang naruruon din aniya ang kanyang pag- asa na Alert level 1 na sa katapusan ng Pebrero ang Metro Manila.
Giit ni Concepcion na kakayanin kung tutuusin na tanggalin ang alert level system bastat siguraduhin lang na tuloy ang pag- oobserba ng minimum health protocol at gawing walang patid ang pagbabakuna. (Daris Jose)
-
DILG, ipinag-utos sa lahat ng LGU na magpasa ng ordinansa na nagbabawal sa pagvivideoke ngayong holiday season
HINIKAYAT ng Department of Interior and Local Govt (DILG) ang Local Government Unit (LGU) na magpasa ng ordinansa na magbabawal na muna sa pag- karaoke sa pampublikong lugar ngayong Holiday season. Ito’y upang makaiwas sa paglaganap ng Covid-19. Ayon kay DILG Usec Jonathan Malaya sa Laging Handa public press briefing, ang parusa sa mga […]
-
Paglipat sa SMB ni Perez 6 katao kapalit – aprub
INAPRUBAHAN na nitong Martes ni Philippine Basketball Association Commissioner Wilfrido Marcial ang trade ng San Miguel Beer at Terrafirma ilang paghahanda ng dalawang koponan sa 46th PBA 2021 Philippine Cup sa darating na Abril 9. Opisyal ng kasaping Beermen si Christian Jaymar Perez, top pick ng Dyip noong 2018, naging 2019 Rookie of […]
-
Hindi matatawaran ang kontribusyon sa pelikulang Pilipino… Sen. BONG, pinarangalan si Mother LILy sa inihaing resolusyon
SA Facebook post ni Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla Jr., noong Martes, ilang araw ng pagpanaw ni Mother Lily Monteverde, mababasa ang kanyang bagong resolusyon. “Atin pong inihain ang Proposed Senate Resolution No. 1099 na nagbibigay-karangalan kay Lily Yu Chu-Monteverde o mas kilala natin bilang Mother Lily. “Sya ay tunay […]