• November 6, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Panukala na isama ang personal financial education sa mga tech-voc na paaralan, inaprubahan ng Komite

INAPRUBAHAN ng House Committee on Higher and Technical Education na pinamumunuan ni Baguio City Rep. Mark Go ang House Bill 7333 o “Personal Financial Education for Tech-Voc Schools and Centers.”

 

 

Naglalayong isama nito ang kaalaman sa pananalapi sa teknikal-bokasyonal na kurikula, na ganap na nakatuon sa pansariling pananalapi.

 

 

Ayon kay Bukidnon Rep. Jose Manuel Alba, awtor ng panukala, ang kahalagahan ng personal na pagpaplano sa pananalapi ay nagbibigay ng kapangyarihan sa mga mag-aaral na magtakda ng mga layunin sa pananalapi, kontrolin ang paggasta, at gumawa ng maingat na mga desisyon sa pananalapi.

 

 

Sa ilalim ng panukalang batas, makikipagtulungan ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), Department of Finance (DOF) at Securities and Exchange Commission (SEC), para bumuo ng mga pamantayang pang-akademiko, kurikula, at materyales para sa kursong personal na pananalapi.

 

 

Ang iba pang mga panukalang inaprubahan ay ang HB 7219, o “Higher Education Institutions’ Development Research Fund Act of 2023;” HB 2316, na naglalayong magtatag ng Artificial Intelligence Industrial Research Park sa Mindanao State University – Iligan Institute of Technology; HB 321, na magtatatag ng Dinagat Islands State College; HB 7289, na naglalayong gawing State University of Siquijor ang Siquijor State College at ang extension campus nito; HB 6566, na naglalayong itatag ang Sarangani State College; HB 1457, na magtatatag ng Techno-Parks Development Fund (TPDF) para sa University of Science and Technology of Southern Philippines; HB 1451, na naglalayong maglaan ng P1 bilyon para pondohan ang pagpapaunlad ng imprastraktura ng Alubijid Campus sa University of Science and Technology of Southern Philippines; HB 7643, na naglalayong gawing regular na kampus ang satellite campus ng Bukidnon State University; at mga HBs 7173, 7516, 7570, 7571, 7702 at 7746, na naglalayong magtatag ng TESDA training and assessment

 

 

centers sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

 

 

Nagsagawa rin ng pagdinig ang komite kasama ang Committee on Disaster Resilience na pinamumunuan ni Dinagat Islands Rep. Alan 1 Ecleo, para aprubahan ang mga HBs 5462, 7279 at 7710, na naglalayong suspindihin ang mga pagbabayad ng student loan sa panahon ng kalamidad at iba pang kagipitan.

 

 

Iginiit ni Ecleo na dapat palawigin ng kongreso ang tulong na ito para maibsan ang pinansiyal na pasanin ng mga pamilyang Pilipino, lalo na ang mga walang kabuhayan at matatag na pinagkukunan ng kita.

 

 

Sinabi ni Go na inaprubahan na ng senado ang katulad na panukalang batas sa ikatlo at huling pagbasa. (Ara Romero)

Other News
  • Dottie sumalo sa ika-54

    HUMILERA si Dottie Ardina sa tatlo sa ika-54 na puwesto na may $715 (P34K) bawat isa, habang si Clarissmon ‘Clariss’ Guce sa Amerikanang si Gigi Stoll para sa 57T na may $669 (P32K) each sa kahahambalos lang na 16th Symetra Tour 2021 sixth leg, $175K 13th Symetra Classic sa River Run Country Club sa Davidson, […]

  • 668 NAVOTENOS NATANGGAP NA ANG 2ND TRANCHE SAP

    NATANGGAP na sa wakas nang nasa 668 Navoteño families ang kanilang second tranche ng Social Amelioration Program.     Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD)–National Capital Region, sa koordinasyon sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas ay ipinamahagi na ang P8,000 emergency cash assistance.     “The wait is over. After more than a year, […]

  • DILG, sinimulan ang Barangay Development Program sa Bulacan

    LUNGSOD NG MALOLOS – Pinangunahan ng Department of the Interior and Local Government ang groundbreaking ceremony ng mga development projects sa ilalim ng 2021 Local Government Support Fund-Support in Barangay Development Program ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict sa Sitio Suha, Brgy. San Mateo, Norzagaray, Bulacan kahapon.     Sa isang simpleng programa, sinabi […]