Panukalang “foundling welfare act”, pasado sa huling pagbasa sa Kamara
- Published on October 9, 2020
- by @peoplesbalita
NAGKAKAISANG ipasa sa huling pagbasa ng kamara ang House Bill 7679 o ang “Foundling Welfare Act.”
Layunin ng panukala na itaguyod ang mga karapatan ng mga ulila o abandonadong kabataan na walang pagkakakilanlang mga magulang at pangalagaan ang kanilang mga estado bilang natural-born Filipino citizens, at parusahan ang sinumang aabuso sa kanilang mga kapakanan.
Pangunahing iniakda nina Ang Probinsyano Party-list Rep. Ronnie Ong at Tingog Sinirangan Party-list Rep. Yedda Marie Romuladez, layunin ng HB 7679 na gawaran ang mga ulila o abandonado ng pantay na pribilehiyo at pangangalaga laban sa diskriminasyon at ang pagbibigay ng suportang serbisyo tulad ng pagpaparehistro, pagsasaayos ng mga dokumento para sa pag-ampon, edukasyon, legal at proteksyon mula sa pulis, sapat na nutrisyon at pangangalaga sa kanilang kalusugan, at maayos na pagtanggap sa mga ligtas at protektadong child centers.
Kapag naisabatas na ang panukala, ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang siyang mangangasiwa sa pagsusuri at pagsisiyasat sa mga pinagmulan at pamilya ng mga ulila at abandonado, at itatalaga ang kagawaran upang ihanda ang masusing pag-uulat upang kalaunan ay maiwasto at mairehistro sila sa Local Civil Registrar, na siya namang magpapalabas ng kanilang birth cer- tificates. Dagdag pa rito, ang Philip- pine Statistics Authority (PSA), katuwang ang DSWD, ay aatasang magpalaganap ng mga impormasyon at kalatas, at kampanya sa mga kahalagahan ng pagpapatupad ng panukalang Foundling Welfare Act. (Ara Romero)
-
ValTrace App inilunsad sa Valenzuela
INILUNSAD ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang Valenzuela Tracing (ValTrace) Application hindi na kailangang magsulat sa contact tracing form at mangamba sa paggamit ng ballpen na maaaring ipinangsulat ng may COVID-19 sa bawat pupuntahang establisyimento at ang kailangan lang ay ipakita at i-scan ang inyong unique QR code mula sa ValTrace App. Maaari nang […]
-
Checkpoint tinakbuhan, rider arestado sa Malabon
BINITBIT sa selda ang 25-anyos na rider matapos takbuhan ang mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Sita nang parahin siya dahil walang suot ng helmet sa Malabon City. Tumagal din ng ilang minuto ang habulan sa pagitan ng mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 2 at ng rider na si alyas Jay-ar, residente […]
-
DHSUD, target na magtayo ng 6M housing units sa termino ni PBBM
TARGET ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na magtayo ng anim na milyong housing units sa susunod na anim na taon sa pamamagitan ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino program. Ito ayon kay DHSUD Assistant Secretary for Support System Avelino Tolentino ay may production average rate na isang milyong housing […]