• November 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Panukalang trials ng face-to-face classes, tinanggihan ni PDu30

TINANGGIHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang panukalang trials ng face-to-face classes.

 

“Nagdesisyon na ang Presidente ha: wala pa rin po tayong face-to-face classes sa bansa,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

Sinabi ni Sec. Roque na sinabi sa kanya ng Pangulo nang magkausap sila kagabi na ayaw nitong malagay sa panganib ang buhay ng mga estudyante at mga guro lalo pa’t hindi pa nagsisimula ang vaccination drive ng pamahalaan.

 

“Sabi niya, may awa ang Panginoon, baka naman po pagkatapos nating malunsad ang ating vaccination program ay pupuwede na tayong mag-face-to-face (classes) sa Agosto lalong-lalo na sa mga lugar na mababa ang COVID cases,” ang pahayag ni Sec. Roque.

 

Noong nakaraang Disyembre ay inaprubaan ng Chief Executive ang pilot implementation ng face-to-face classes na magsisimula sana nitong Enero 2021 sa mga eskuwelahan na nasa lugar na low-risk para sa COVID-19.

 

Iyon nga lamang ay ilang araw lamang ang nakalipas ay binawi niya ang pahayag niyang ito dahil sa bansa ng bagong variant ng Covid -19 sa United Kingdom at napaulat na ito ay mas nakahahawa.

 

Dahil dito, ipinagbawal ni Pangulong Duterte ang face-to-face classes dahil na rin sa kawalan pa ng bakuna laban sa COVID-19.

 

Ang Basic Education classes ay magpapatuloy naman sa Oktubre sa ilalim ng blended learning. (Daris Jose)

Other News
  • P750k ibibigay ng PSC kay Yulo

    Kagaya noong 2019, muling binigyan ng Philippine Sports Commission (PSC) ng espesyal na cash incentives si 2021 World Artistic Gymnastics Championships gold medalist Caloy Yulo.     Inaprubahan kahapon ng PSC Board ang insentibong P500,000 para sa gold at P250,000 para sa silver medal na nakuha ni Yulo sa nakaraang world championships sa Kita­kyushu, Japan. […]

  • Ads October 21, 2023

  • DOTr pinagtanggol ang “no vax, no ride” na polisia

    Pinagtanggol ng Department of Transportation (DOTr) ang inilabas nilang Department Order (DO) 2022-001 tungkol sa “no vax, no ride” polisia kung saan sinabi nila na hindi ito anti-poor.       Nilinaw at diniin ng DOTr na ang polisia ay hindi naman nagbabawal sa mga tao na maglakbay.     “The policy is not anti-poor […]