• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Partial operation ang LRT 1 extension sa susunod na taon, tiniyak

NAKIKITA ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) na magkakaroon ng partial operation ang Light Rail Transit Line 1 Extension Project sa susunod na taon habang ang pamahalaan ay nangako na magkakaroon ng full delivery ng right-of-way.

 

Sinabi ni LRMC president at CEO Juan Alfonso na ang project ay may 33 percent completed na samantalang ang right-of-way naman ay may 90 percent ng cleared.

 

“The progress is going well and so far construction flow is doing good. For the right-of-way, it is almost complete. There are just issues being addressed on some of the stations, but I think we have solutions there,” wika ni Alfonso.
Ayon pa rin kay Alfonso, may darating na 30 train sets sa third quarter ng taon na galing sa Spain para sa P65.1 billion na LRT 1 extension project. Nagkaroon ng groundbreaking ceremony ng LRT 1 Cavite Extension noong Mayo 2017 subalit ang actual construction ay nagsimula matapos ang dalawang taon dahil sa mga issue sa righ-of-way.
Nagsimula naman ang actual na construction nang nakaraang Mayo 2019 dahil sa mga nangyayaring developments sa construction, tiniyak naman ni Alfonso na magagawa nilang magkaroon ng partial operation sa susunod na taon.
Inaasahan naman ng Department of Transportation (DOTr) na magkakaroon ng partial operation sa section ng Baclaran papuntang Dr. Santos sa Parañaque.

 

“The DOTr is pushing us to finish as early as possible so I think it is doable based on the timelines. They requested to finish by next year. We are coordinating with them, and we’re working with them so that we can deliver it by next year,” dagdag ni Alfonso.

 

Naglalayon ang 11.7 kilometer LRT 1 extension project na mabawasan ang travel time mula Baclaran papuntang Bacoor na dating higit sa isang oras upang maging 25 minutes na lamang.

 

Mula sa Baclaran, magkakaroon ito ng walong stations, ang mga ito ay ang mga sumusunod: Redemptorists, MIA, Asiaworld, Ninoy Aquino, Dr. Santos, Las Piñas, Zapote, at Niog. Kung kaya’t magkakaroon ito ng kabuoang 28 stations mula sa dating 20 stations lamang.

 

Ang Phase 1 ay mayroon pitong kilometers kung saan kasama ang stations ng Redemptorist, MIA, Asiaworld, Ninoy Aquino, at Dr. Santos. Ang LRT 1 extension project ay babagtas ng 33 kilometers mula sa Rooseveltstation sa Quezon City hanggang sa Niog, Bacoor sa Cavite.

 

Ang LRMC consortium na binubuo ng Metro Pacific Investments Corp.’s Metro Pacific Light Rail Corp., Ayala Corp.’s AC Infrastructure Holdings Corp., at Macquarie Infrastructure Holdings (Philippines) PTE Ltd., ay siyang nanalo ng kontrata para sa pagtatayo ng LRT-Cavite extension project.

 

Binigyan naman ng commendation ang LRMC ng DOTr dahil sa progress na nagaganap sa patuloy na construction ng LRT 1 extension. (LASACMAR)

Other News
  • ‘Pulang Araw’, ipapanood pa rin sa anak kahit kontrabida: DENNIS, hangang-hanga kay ALDEN na first time makatrabaho

    TINANONG si Dennis Trillo kung ano ang pakiramdam na makasama sa ‘Pulang Araw’ sina Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco at Alden Richards?       “Masarap yung pakiramdam na makatrabaho yung mga superstars, di ba? Feeling mo ka-level ka rin nila.       “Lalo na masarap makatrabaho ang isang Alden Richards, first time […]

  • Simbahang Katolika, bukas sa ibang paniniwala at pananampalataya

    TINIYAK  ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na bukas ang simbahan sa lahat maging sa ibang paniniwala at pananampalataya.     Ito ang pahayag ng cardinal sa pagdiriwang ng Week of Prayer for Christian Unity ngayong taon na nakatuon sa temang ‘Do Good. Seek Justice.’     Sinabi ni Cardinal Advincula na patuloy […]

  • Speaker Romualdez, DSWD, lokal na opisyal namahagi ng P140-M cash aid sa 30K Davaoeños

    NAGKAKAHALAGA ng P139.81 milyon ang cash assistance na naipamahagi sa 29,906 benepisyaryo sa Davao City, Davao de Oro at Davao del Norte sa apat na araw na payout ng Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program (AKAP), isang flagship welfare program ni Pangulong Bongbong Marcos.     Ang pamimigay ng ayuda ay pinangunahan ni Speaker […]