PBA, DODOBLEHIN ANG MGA LARONG GAGAWING SA KANILANG MULING PAGBABALIK
- Published on November 4, 2020
- by @peoplesbalita
MAGSASAGAWA agad na apat na laro ang Philippine Basketball Association (PBA) sa araw ng Martes, Nobyembre 3.
Kasunod ito sa pagpayag ng IATF (Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases) na ituloy na ang mga laro matapos na wala ng lumabas na positibo sa coronavirus.
Sa pinakahuling COVID-19 testing ay nagnegatibo lahat ng mga manlalaro at coaching staff ng 12 koponan na nasa bubble sa Angeles City, Pampanga.
Magsisimula ang laro ng 10 ng umag sa pagharap ng San Miguel Beermen kontra Blackwater na susundan ng Terrafirma laban sa Phoenix ng 1 ng hapon na susundan ng alas-4 ng hapon sa laban ng NorthPort at TNT Tropang Giga at haharapin ng Alaska Aces ang Barangay Ginebra dakong 6:45 ng gabi.
Sa kabuuan ay mayroong apat na laro na isasagawa hanggan sa pagtatapos ng eliminations sa Nobyembre 11.
Tiniyak ng PBA na mas paiigtingin nila ang ipinapatupad na protocols at Mahigpit silang nakikipag-ugnayan sa IATF at National Task Force.
Magugunitang nitong Biyernes ay kinansela ang mga laro matapos na magpositibo ang ilang manlalaro at referee habang nasa bubble game.
-
Para sa horror-drama short film na ‘Umbra’: Newbie Pinoy film maker na si Direk MIAH, nag-uwi ng two international filmfest award
NAKASUNGKIT agad ang baguhang Pinoy film director ang dalawang major film award sa dalawang international film festival sa India. Ito ay si Jeremiah P. Palma na nagdirek ng low-budget short film na ‘Umbra.’ Libo-libong pelikula mula sa iba’t ibang bansa ang nakalaban ng up-and-coming indie filmmaker, pero siya ang nakakuha ng […]
-
‘Di hamak na mas madali ang buhay artista ngayon: NADIA, may payo sa mga teenstars na may ‘attitude’
DAHIL tungkol sa motherhood ang Youtube talk show ni Ynna Asistio na ‘Behind The Scenes With Ynna’ ay nararapat lamang na ang first guest niya ay walang kundi ang ina niyang si Nadia Montenegro. At dahil sikat na teen actress si Nadia noong ‘80s ay napag-usapan ng mag-ina ang tungkol sa mga youngstars noon […]
-
Agri damage dahil sa Habagat, Egay, Falcon, pumalo na sa P2.9 billion –NDRRMC
UMABOT na sa P2.9 bilyong piso ang pinsala at pagkalugi sa sektor ng agrikultura dahil sa Southwest Monsoon (Habagat) na pinalakas ng mga bagyong Egay at Falcon. Base sa pinakabagong situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang Department of Agriculture (DA) ay nakapagtala ng P2,944,689,603.82 sa production loss […]