• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBA legend Robert Jaworski patuloy ang paggaling

Patuloy ang ginagawang pagpapagaling ni PBA legend Robert “Sonny” Jaworski matapos na dapuan ng pneumonia noong nakaraang taon.

 

 

Sinabi ng kaniyang anak na si Robert “Dodot” Jaworski Jr., nagkaroon ng rare blood disorder ang ama na nagdulot ng paglutang ng iba niyang sakit.

 

 

Dagdag pa nito, maganda na rin ang lagay ng ama kahit na hindi 100 porsyento ang lakas nito.

 

 

Malaki rin ang paniniwala nito na ang paglalaro noon ng matagal ng ama sa basketball ay siyang nagdulot sa pananakit sa tuhod at sa likod.

 

 

Umapela na lamang ito sa mga fans ng ama na patuloy ang ipagdarasal para sa agarang paggaling.

 

 

Si Jaworski ay tinaguriang “living legend” ng Philippine basketball dahil sa tagal ng kaniyang career sa PBA.

Other News
  • PDu30, pinayuhan ng doktor na iwasan na ang pag-inom ng alak

    PINAYUHAN si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng kanyang doktor na iwasan na ang pag-iinom ng alak.   Ito ayon sa Pangulo ay dahil malapit na di umano sa Stage 1 cancer ang kasalukuyan niyang Barrett’s esophagus.   Magugunitang, una nang sinabi noon ng Chief Executive, 75 taong gulang sa kaniyang mga nakaraang talumpati na mayroon […]

  • Utos ni PBBM sa PNP, tamaan ang mga “malalaking isda” sa kampanya laban sa ilegal na droga

    IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Philippine National Police (PNP) na ituon ang pansin sa sindikato at high-profile illegal drugs personalities sa pagsasagawa ng agresibong anti-illegal drugs operations.     Sinabi ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil na ito ang gabay na isinasagawa nila ngayon at ipagpapatuloy na ipatupad sa mga araw patungo […]

  • Ads May 6, 2023