PBBM bumiyaheng Dubai, dumalo sa COP28
- Published on December 1, 2023
- by @peoplesbalita
NAGTUNGO si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Dubai kahapon Huwebes para lumahok sa 28th Conference of the Parties to the United Nations Framework Convention on Climate Change (COP28) na gaganapin mula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 2.
Matatandaang inimbitahan ni UAE Ambassador to the Philippines Mohamed Obaid Salem Alqataam Al-Zaabi si Marcos na dumalo sa COP28 sa kanyang courtesy visit sa Pangulo sa Malacañang noong Hunyo 13, 2023.
Binigyang-diin ng Pangulo ang kahalagahan ng COP28 sa pagtukoy sa Pilipinas bilang isa sa mga pinaka-vulnerable na bansa sa epekto ng climate change sa mundo.
“And so, we must do our part here in the Philippines,” pahayag ni Marcos.
Ayon pa sa Pangulo, hindi lamang ang gobyerno ang may tungkulin sa climate change mitigation kundi ang bawat isang Filipino. (Daris Jose)
-
Nat’l Privacy Commission, nagbabala laban sa pagsasamantala sa mga kabataan
NAGBABALA ang National Privacy Commission (NPC) laban sa mga “online abuse at exploitation” na target ang mga kabataan sa isinagawang Youth Privacy Advocates Annual Summit. “Hihimukin nila na magbigay ka ng personal na impormasyon, gagawing ka-close yung mga bata. Ige-gain nila yung trust nung mga nakakausap nilang bata,” ayon kay Public Information and […]
-
Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, DOT at ECPAT, isinagawa ang Child Safe Tourism seminar
LUNGSOD NG MALOLOS- Sa pinagsama-samang pagsisikap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, Kagawaran ng Turismo-Rehiyon III at ng End Child Prostitution, Child Pornography and the Trafficking of Children for Sexual Purposes (ECPAT) Philippines, naisagawa ang Child Safe Tourism Seminar sa pamamagitan ng Zoom kamakailan. Tinalakay sa nasabing seminar ang pinakabagong programa ng Kagawaran ng Turismo […]
-
Quezon City LGU, GSIS kapit-bisig sa pabahay program
NAKIPAGSUNDO ang Government Service Insurance System (GSIS) sa Quezon City government para sa opisyal na paglulunsad ng kanilang ‘Pabahay sa Bagong Bayani na Manggagawa (PBBM)’ program ng pamahalaan. Sa ilalim nito, ang GSIS ay magtatayo ng medium rise buildings (MRB) sa kanilang mga lote sa Barangay Fairview para sa pinaka- nangangailangang GSIS members. […]