PBBM, dumating sa Tacloban, nagsagawa ng briefing sa epekto ng panahon sa Northern Samar
- Published on November 24, 2023
- by @peoplesbalita
DUMATING kahapon ng umaga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Tacloban at kagyat na nagsagawa ng virtual briefing sa matinding epekto ng shear line at low pressure area (LPA) na nakaapekto sa Northern Samar.
Nauna rito, nakatakda sanang lumapag sa bayan ng Catarman si Pangulong Marcos. Gayunman, hindi nagawang mag-landing ang eroplano ng sinasakyan ng Chief Executive.
Sa kabilang dako, sinabi ng weather bureau na PAGASA na nakaranas ang Catarman ng mahigit na isang buwan ng pag-ulan sa loob lamang ng 24 oras, iniuugnay sa shear line, “cold and warm air converge.”
Dahil sa weather disturbance, napilitang ilikas ang mahigit sa 24,000 pamilya.
Mataas ang tubig-baha kung saan ang mga residente ay nakitang nakakapit sa mga piraso ng kahoy at styrofoam ang iba naman ay napilitang lumangoy para sa kanilang kaligtasan sa gitna ng presensiya ng electric wires.
Sa isinagawang rescue operations, naranasan ng mga awtoridad ang kahirapan bunsod ng malakas na water current.
Ginawa ang deklarasyon matapos na irekumenda ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) dahil sa pinsala sa imprastraktura at mga ani sanhi ng malalim na pagbaha.
Samantala, may kabuuang 169 klase at 12 work schedules ang sinuspinde dahil sa masama at masungit na panahon. (Daris Jose)
-
Paiiraling sistema para sa PBA nakabitin pa ngayon – Marcial
WALA pangpasya ang Philippine Basketball Association (PBA) kung anong paraan sa torneo ang paiiralin para sa ika-46 na edisyon ngayong 2021 simula sa Philippine Cup sa Abril 9. Nabatid kahapon professional cage league commissioner Wilfrido ‘Willie’ Marcial, na pagbabatayan pa ng PBA Board of Governors o team owners reperesentative ang magiging diskarte sa […]
-
Ads January 9, 2020
-
Pagkatalo ni 8-time World Champion Sen. MANNY, senyales na mag-retire na at umatras sa pagka-Pangulo
HINDI inaasahan nang marami ang pagkatalo ni Sen. Manny Pacquiao sa laban nila ni Yordeni Ugas via unanimous decision. Comment ng mga netizens, parang kulang na raw sa power ang suntok ni Manny. Hindi na rin daw masyadong mahusay ang ipinakita ni Manny sa laban. Kung nanalo si Manny, yun ang kanyang […]