• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, nanawagan sa PAGCOR na ituloy ang commitment nito sa paglaban sa illicit activity

NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na panatilihin ang commitment  nito na labanan ang illicit activities at tiyakin ang “responsible practices” sa loob ng  gaming industry, habang pinapanatili ang “social relevance.”

 

 

“Let this anniversary therefore be a call to the future—a future where PAGCOR is at the front and center in reshaping the gaming landscape with responsible practices, unwavering integrity, and a steadfast commitment to combating illicit activities,” ito ang inihayag ni Pangulong  Marcos sa kanyang talumpati sa isinagawang ika-40 anibersaryo ng PAGCOR.

 

 

Sinabi pa ng Pangulo na ang “brightest years” ng PAGCOR ay nananatili sabay pagkilala sa kahalagahan ng kontribusyon nito sa  nation-building, partikular na sa sektor ng turismo, paglikha ng trabaho, pagpapalawig ng social services sa marginalized sectors at pagsuporta sa mga mahahalagang programa ng pamahalaan.

 

 

“Certainly, PAGCOR has made an indelible mark in our society with its undeniable contribution to nation-building,” ayon sa Chief Executive.

 

 

Binigyang diin din ng Punong Eheklutibo ang ipinamahaging napakalaking  resources ng PAGCOR at kapasidad ng mga manggagawa nito, hinikayat ng Pangulo ang  PAGCOR  na magtakda ng bagong standards at ituloy  lamang na pangunahan puwersa sa gaming industry hindi lamang para matamo  pinansiyal na tagumpay kundi maging para sa social impact.

 

 

“May you remain a shining example of what it means to be workers at PAGCOR—individuals who stand firm in their dedication to service, excellence, and integrity, [and] who are determined to leave their mark not only in the gaming industry, but in our society as a whole,” ayon sa Pangulo.

 

 

Sa kabilang dako, sinabi ni  PAGCOR Chairman at CEO Alejandro H. Tengco,  ang kabuuang Contributions to Nation Building (CNB) ng ahensiya ay umabot na  sa P607 billion para sa  *the last four decades*, habang ang kabuuang  dividend remittances naman nito simula 2011 ay P64 billion.

 

 

Sa ilalim ng administrasyong Marcos, ang kabuuang CNB ng PAGCOR ay  P45 billion.  Target naman ng ahensiya na abutin ang 70 billion sa pagtatapos ng taon.

 

 

Kabilang naman sa mga programa na ipinatupad ng PAGCOR ay ang pagtatatag ng classrooms, multi-purpose evacuation centers, at grants of assistance o subsidy sa  institutions, government offices at indibidwal.

 

 

Suportado rin ng korporasyon ang  pagpopondo sa mga programa na nasa ilalim ng Universal Health Care,  Philippines Sports Commission, at Dangerous Drugs Board.  (Daris Jose)

Other News
  • 12-anyos na estudyante natagpuang patay sa Malabon

    PALAISIPAN sa mga awtoridad at sa pamilya ng 12-anyos na Grade 6 student na natagpuang patay habang may nakapulupot na lubid ng duyan sa leeg sa loob ng kanilang bahay sa Malabon City.     Dakong alas-7 ng gabi noong sabado nang madiskubre ang bangkay ng 12-anyos na estudyante sa loob ng kanyang silid sa […]

  • DEPLOYMENT NG MGA HEALTH WORKERS, IREREKOMENDA

    IREREKOMENDA ng   Department of Labor and Employment (DOLE) na  magdagdag ng  deployment cap ng mga healthcare workers  overseas kasunod ng apela ng Medical Technology Group.     Maaalala na ipinataw ang pansamantalang  5,000  deployment cap noong nakaraang taon upang hindi maubusan ng health workers sa bansa na tutugon sa gitna ng pandemya.     […]

  • DAQUIS HINDI NA TINABI ANG SALOOBIN

    SOBRANG kaligayahan ang nadama ni Philippine SuperLiga o PSL star Rachel Anne Daquis sa pagbabalik ng 45th Phlipppine Basketball Association o PBA 2020 Philippine Cup eliminations bubble nitong Linggo sa Clark Freeport and Special Economic Zone sa Angeles, Pampanga.   Maski batikang mabangis na volleyball player, hindi itinago ng dalaga ang pagiging isa ring basketball […]