PBBM, pinuri ang mga magsasaka, mangingisda sa Filipino Food Month
- Published on April 5, 2025
- by @peoplesbalita
PINURI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga magsasaka, mangingisda at mga naging bahagi ng food industry para sa kanilang pagsisikap na tiyakin na mayroong pagkain sa hapag o lamesa.
Sinabi ito ng Pangulo sa kanyang naging talumpati sa pambansang paglulunsad ng Filipino Food Month.
“Sa buwan na ito, huwag din po nating kalimutan na sa bawat na masarap na putahe ay may mga kamay na nagtitiyaga upang tayo ay may maihain sa ating mga mesa,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
“Sila ang ating mga magsasaka, ang ating mga mangingisda, ang ating manggagawa sa industriya ng pagkain. Maging ang ating paboritong kusinero sa karinderya ay ating purihin at pasalamatan,” aniya pa rin
Winika pa ng Pangulo na gagawin ng pamahalaan ang lahat ng makakaya nito upang tiyakin na ang mga Filipino ay mabibigyan ng sapat at abot-kayang pagkain.
“Ang bawat ulam na kanilang hinahanda ay may katumbas na sipag at tiyaga,” ang sinabi pa ni Pangulong Marcos.
“Kaya naman ang pamahalaan ay patuloy na gumagawa ng mga hakbang upang masiguro na may sapat at murang pagkain para sa bawat Pilipino,” dagdag na wika nito.
Samantala, sa bisa ng Presidential Proclamation No. 469 na nilagdaan noong 2018, ang Abril ng bawat taon ay idineklara bilang Buwan ng Kalutong Pilipino.
Nagsanib-puwersa ang Department of Agriculture (DA), Department of Tourism (DOT), National Commission for Culture and the Arts (NCCA), at Philippine Culinary Heritage Movement (PCHM) para pamunuan ang isang buwang selebrasyon na may temang “Pagkaing Pilipino, Susi sa Pag -unlad at Pagbabago.”
Ang pambansang pagdiriwang ay naglalayon na pahalagahan, pangalagaan, itaguyod, at tiyakin ang paghahatid ng malawak na tradisyon at kayamanan sa pagluluto ng mga Pilipino sa susunod na henerasyon at suportahan ang iba’t ibang industriya, magsasaka, at agri-community.
Ang pagbubukas ng seremonya para sa Buwan ny Kalutong Pipino ay ginanap kamakailan sa makasaysayang Metropolitan Theater. Ipinalabas ito noong Abril 1, 2022 (Biyernes, 3PM) sa mga social media pages ng mga nangungunang ahensya tulad ng DA, DOT, NCCA, PCHM gayundin sa Facebook pages ng Met , PCOO, RTVM, at PTV.
Ang seremonya ay dinaluhan ng mga opisyal mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno, local government units, pribadong sektor, at media.
Ang mga pinuno ng mga nangungunang ahensya ay naghatid ng mga mensahe bilang suporta sa pagdiriwang.
Maliban dito, nasaksihan din ang mga pagtatanghal mula sa iba’t ibang artista tulad nina Lara Maigue na kinanta ang “Sa Kabukiran”, Arman Ferrer na inawit ang “bahay Kubo”, at nagsi-sayaw ang Sindaw Philippines, at Halili-Cruz School of Ballet.
Si Issa Litton ang host ng seremonya. Itinampok din dito ang mga higante ng Angono, Rizal at mga food booth ng apat na nangungunang ahensya. (Daris Jose)
-
PLM tops Physician Licensure Exam, alumnus lands 5th place
The Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) celebrates the strong performance of its alumni from the College of Medicine who passed the October 2021 Physician Licensure Examination. PLM logged the highest passing rate among all medical schools with a 98.06% passing rate, as 101 of its 103 test takers making the cut. […]
-
Face-to-face classes sa ilalim ng basic education curriculum, “may happen sooner than expected” – Malakanyang
IBINALITA ng Malakanyang na ang pilot implementation ng face-to-face classes sa ilalim ng basic education curriculum “may happen sooner than expected” dahil ang mga bakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19) ay dumarami na. Ang pahayag na ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay matapos iulat ng National Task Force (NTF) against COVID-19 na ang […]
-
Pagsasa-ayos sa Manila Bay, 2019 pa inaprubahang mapondohan
TAONG 2019 pa aprubado at kasama sa line item ang ginagawang hakbangin ngayon ng pamahalaan sa Manila Bay. Ito ang binigyang diin ni Presidential spokesperson Harry Roque sa gitna ng ilang batikos patungkol sa pagpapa- white sand ng nabanggit na look. Ani Sec. Roque, tuhog lang ang nangyayaring pagpapaganda sa Manila Bay gayung […]