• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, hindi naniniwalang babalewalain ng Comelec ang “rules’ sa ballot printing

KUMBINSIDO si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi babalewalain at isasantabi ng Commission on Elections (Comelec) ang mga alituntunin sa pagbubukas ng ballot printing sa election observation groups.

 

 

“I do not believe it because itong Comelec naman ang mga tao diyan ay kilala ko lahat ,” ayon kay Pangulong Duterte sa naging panayam sa kanya ni Pastor Apollo Quiboloy na inere, araw ng Sabado sa SMNI.

 

 

Giit ng Pangulo, wala pa siyang naririnig na ganyang paglabag. Sinabi nito na palagi namang binubuksan ng Comelec ang ballot printing at operations sa accredited election observation groups.

 

 

“I think the ballot is being printed sa  Bureau of Printing. At palagay ko naman , if there is a requirement that there should be witnesses, I am sure wala akong rason narinig na  this particular rule has been disregarded. I have not yet heard of it,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

 

 

Nauna nang binatikos ng poll watchdogs, kinabibilangan ng National Citizens Movement for Free Elections (Namfrel) ang Comelec matapos na hindi pahintulutan ang election observation groups na makita at saksihan ang preparasyon para sa national elections.

 

 

Binatikos ng Namfrel kung paano itinago at hindi ipinakita sa election observation groups, kabilang na ang accredited citizens’ arms ang ballot printing sa National Printing Office (NPO) sa Quezon City at ang operasyon sa Comelec Sta. Rosa warehouse.

 

 

“Namfrel recommends opening up the facilities for observation during the election period until termination of operations,” anito.

 

 

Nabahala rin ang grupo sa kakulangan ng guidelines na buksan at payagan na obserbahan ng accredited election monitors ang operasyon sa iba’t ibang data centers kung saan ang Comelec Central Server, backup server, at transparency server ay matatagpuan kabilang na ang access sa regional hubs.

 

 

Ayon sa Namfrel, dapat na magpalabas ang Comelec ng guidelines para payagan ang mga stakeholders, kabilang na ang accredited citizens’ arms, na maging saksi sa iba’t ibang data centers at regional hubs sa panahon ng halalan hanggang sa matapos ang operasyon.

 

 

Bilang tugon, sinabi naman ng Comelec na target nila ang mas maraming observers sa kanilang ginagawang paghahanda para sa May polls.

 

 

Nakasaad sa Seksyon15 ng Republic Act 9369, “watchers should be assigned by accredited political parties and deputized citizen’s arms to observe the printing, storage, and distribution of official ballots.”

 

 

Habang nakasaad naman sa Seksyon 187 ng Batas Pambansa (BP) 881 o Omnibus Election Code of the Philippines na kailangan ang presenisya ng mga watchers. (Daris Jose)

Other News
  • DOTr: Libreng sakay sa rail lines hanggang Aug. 31

    Mayron patuloy na libreng sakay ang mga pasaherong nagpabakuna na laban sa COVID-19 sa mga rail lines na tatagal ng hanggang August 31.       Sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na patuloy silang magbibigay ng libreng sakay sa mga rail lines tulad ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3), Light Rail Transit Line […]

  • Casimero at Donaire, susunod na target ni Naoya matapos magwagi laban kay Moloney

    NADEPENSAHAN ni Japanese boxer Naoya Inoue ang kaniyang bantamweight belt laban sa challenger na si Jason Moloney.   Naging susi ang matinding suntok ng 27-anyos na boksingero sa kanang kamay na nagbunsod sa pagbagsak ni Moloney sa ikapitong round.   Mula pa kasi sa unang round ay pinaulalanan na ng suntok ang kalaban nito.   […]

  • “SPIDER-MAN: NO WAY HOME” REVEALS RETURNING FOE IN TEASER POSTER

    THE Multiverse unleashed.  Checkout the official teaser poster below for Columbia Pictures’ new action-adventure Spider-Man: No Way Home, coming exclusively to Philippine cinemas January 08, 2022.     [And watch the film’s latest trailer at https://youtu.be/iur-ckKj27U]     About Spider-Man: No Way Home     For the first time in the cinematic history of Spider-Man, our friendly neighborhood […]