PDu30, ikakampanya ang mga kapartidong tatakbo sa Eleksyon 2022
- Published on July 19, 2021
- by @peoplesbalita
SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ikakampanya niya ang kanyang mga kapartido sa PDP-Laban na tatakbo sa Eleksyon 2022.
Sinabi pa nito na magdadala rin siya ng pera habang nagsasagawa ng pangangampanya.
Ang pangakong ito ni Pangulong Duterte ay matapos na pamunuan ang panunumpa ng mga bagong PDP-Laban officials sa isang miting na idinaos sa Clark, Pampanga na nagluklok kay Energy Secretary Alfonso Cusi bilang President ng ruling party at nagpatalsik naman kay Senador Manny Pacquiao.
“Those running for reelection, ikampanya ko kayo. Kayong mga tatakbo, city for city, province for province, ikakampanya ko kayo,” ayon kay Pangulong Duterte.
Samantala, ang mga dumalo naman na PDP-Laban members sa nasabing miting ay nagkaisang nanawagan kay Pangulong Duterte na tumakbo bilang bise-presidente sa 2022 elections, at hahayaan itong pumili ng kanyang running mate.
Gayunman, hindi naman kinikilala ng PDP-Laban faction na pimamumunuan ni Pacquiao ang nasabing pulong. (Daris Jose)
-
P4.5 trilyong national budget pirmado na ni Duterte
Nilagdaan na kahapon, Dec 28 ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P4.5 trilyon national budget para sa 2021. Sumaksi sa paglagda ng 2021 General Appropriations Act ang ilang lider ng Senado at House of Representatives. Nakapaloob din sa GAA ang alokasyon para sa COVID-19 vaccine na nagkakahalaga ng P72.5 bilyon. Nasa P2.5 bilyon […]
-
40 BI officials na sangkot sa ‘Pastillas Scheme’ sinabon at pinakain ng pera
MAHIGIT 40 opisyal ng Bureau of Immigration (BI) na sangkot sa “Pastillas Scheme” ang ipinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang. Ito ang mga tauhan ng BI na nakatalaga sa airport na tumatanggap ng pera na suhol para makabilis na makapasok sa bansa ang mga Chinese nationals king saan nakarolyo ang perang suhol sa […]
-
Contact tracing , isolation at treatment, gagawing tuluy- tuloy ng gobyerno
HINDI ititigil at magpapatuloy ang tracing at isolation effort ng gobyerno kahit may mga bakuna pang dumating sa bansa. Ito ang tiniyak ni Deputy Chief Implementer at Testing czar Secretary Vince Dizon sa kabila ng aniya’y labis ng pagod na nararamdaman ng mga may mahalagang papel sa patuloy pa ding nararanasang pandemya. Aniya, […]