PDu30, inaasahan na magagampanan ni Gen. Cascolan ang 3 task sa panahon ng termino nito
- Published on September 3, 2020
- by @peoplesbalita
INAASAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa na magagampanan ni incoming Philippine National Police chief Police Lieutenant General Camilo Pancratius Cascolan ang tatlong atas sa panahon ng kanyang termino.
Sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na kailangan na panindigan ni Cascolan ang rule of law, alisin ang mga kurakot na pulis at panatilihin ang laban sa giyera sa ilegal na droga.
“We are confident that the incoming chief of the PNP would continue the significant strides made by his predecessors in making the PNP a professional organization worthy of our people’s trust,” ayon kay Sec. Roque.
Si Cascolan ang mag-take over sa liderato ng 209,000-strong police organization mula sa retiradong PNP chief Police General Archie Francisco Gamboa.
Hindi naman malinaw kung dadalo si Pangulong Duterte sa turnover ceremony mamya para kay Gamboa.
Si Cascolan ang second-in-command bilang deputy chief for administration bago pa sa kanyang appointment sa PNP top post
Siya ang co-author ng Oplan Double Barrel sa ilalim ng war on drugs, na nagresulta ng pagkamatay ng libong suspected drug users at peddlers simula nang maupo si Pangulong Duterte noong 2016 ayon sa government data.
Mayroon lamang siyang maiksing termino bilang PNP chief dahil mararating din nito ang kanyang mandatory age na 56 sa November 10.
Samantala, prerogative naman ng Pangulo kung ie-extend nito ang termino ni Cascolan. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Ads September 20, 2022
-
Pangako ni Abalos, ‘no sacred cows’ sa mas pinalakas na anti-drug drive
TINIYAK ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. na walang exempted mula sa ginagawang paglalansag ng pamahalaan laban sa ilegal na droga. Sa katunayan, ipinag-utos ni Abalos sa mga law enforcers na maging “role models” sa kampanya na puksain ang panganib dala ng ipinagbabawal na gamot. […]
-
UN chief sa mga world leaders: Mamili sa climate ‘solidarity’ o ‘collective suicide
SINABI ni UN chief Antonio Guterres na ang sangkatauhan ay nakikipaglaban sa kanilang buhay habang pinaiigting ng climate change ang tag-tuyot, pagbaha at heatwaves. Inihayag ni Guterres sa isinagawang Egypt on curbing global warming na ang international community ay nahaharap sa tinatawag na “stark choice” sa gitna ng international crises na bumubugbog sa […]