Perez mapapadali na ang kayod sa San Miguel Beer
- Published on March 16, 2021
- by @peoplesbalita
KUNG sa Terrafirma dating kayod kalabaw si Christian Jaymar Perez, hindi na ngayon para sa San Miguel Beer sa 46th Philippine Basketball Association 2021 Philippine Cup sa parating na Linggo, Abril 11.
Iilan lang ang nakakatuwang ng two-time defending scoring champion sa Dyip noon, ngayon ay loaded din ang sa mga kamador ang Beermen.
Andiyan ang inaasahan ni Leovino Austria na Killer 5 nina June Mar Fajardo, Marcio Lassiter, Alexander Cabagnot, Jr.,Arwind Santos at Christopher Ross.
May Terrence Romeo pa na siguradong makakasabay ni Perez, 27, na huhugujtin buhat sa bench, at ang subok na ring si Von Rolfe Pessumal.
“The game will be a lot easier for him (CJ) because he won’t have to do everything,” esplika Huwebes ng coach ng serbesa.
Sa Terrafirma noon, sagad-sagaran ang 6-foot-2 shooting guard/small forward maipanalo lang ang behikulo, pero kapos talaga sa suporta.
Napadpag sa Beermen si Perez sa pag-trade ng Dyip na nakuha ang 2021-22 first round draft picks sahog pa sina sina Russel Escoto, Matt Ganuelas-Rosser at Angelo Alolino nitong nagdaang buwan.
Puwede na niyang hindi sumagad sa silinyador, matatapyasan ng minute, pero hindi mababawasan ang angas at produksiyon sa pangalawa niyang koponan sa propesyonal na liga.
Kung nararapat, bibira pa rin ang dating National Collegiate Athletic Association Most Valuable Player buhat sa Lyceum of the Philippines University. Kung matokang masabay si Perez kay Romeo at magpahinga kang starters, hindi pa rin mawawala ang pananalasa sa opensa ng San Miguel.
Malinaw lang na maling-mali ang ginawang pag-swap ng Dyip sa franchise player nilang si Perez para sa SMB, sa pananaw ng Opensa Depensa.
Hanggang sa susunod pong lingo uli.
-
Gentoleo, Navarro matitibay ang tuhod
TINANGHAL na mga tigasin sina Joseph Gentoleo at Cherryl Navarro ng kapwa Team Amihan na hari’t reyna sa katatapos na Manila-Bataan 102-Mile Endurance Run 2020 na nilargahan sa Zero Kilometer Post ng Luneta Park sa Maynila at humimpil sa Zero Kilometer Death March Marker sa Mariveles, Bataan. Ang race cut-off time ay 36 na […]
-
PBBM, ininspeksyon ang NFA warehouse, suplay ng bigas sapat, problema sa suplay ng sibuyas, tinutugunan
NAGSAGAWA ng “surprise inspection” si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa warehouse ng National Food Authority (NFA) sa Valenzuela City, araw ng Sabado. Nais kasi ni Pangulong Marcos na personal na i-check ang suplay ng bigas. At sa tanong kung sapat ang suplay ng bigas, sumagot si Pangulong Marcos sa mga mamamahayag […]
-
Sanggol itinapon sa basurahan
Isang bagong silang na lalaking sanggol ang inabandona ng isang hindi kilalang babae sa tambakan ng basura sa gilid ng maliit na kalsada sa brgy. Poblacion, Biñan City kamakalawa ng madaling araw. Nadiskubre ng basurero ang sanggol na nakakabit pa ang inunan, sa loob ng isang eco bag na iniwan sa basurahan pasado alas-6:00 […]