• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Personal appearance ng mga senior sa pagkuha ng pension, ipinatigil ng IATF

Simula sa Marso 1, 2021, hindi na kailangang magtungo ng personal ang mga senior citizens sa mga pension issuing agencies at mga servicing banks  para sa balidasyon at pagkuha ng kanilang pension.

 

 

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inatasan ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases ang mga pension issuing agencies na magkaroon ng ibang paraan para hindi na lumabas ang mga senior citizens.

 

 

“Inatasan po ng IATF iyong mga pension issuing agencies pati na ang kanilang servicing banks at iba pang mga financial institutions na magkaroon ng alternative modes of validation para sa mga senior citizens pensioners,” ani Roque.

 

 

Kalimitang nagtutungo ng personal ang isang pensioner isang beses isang taon sa mga tanggapan na nagbibigay sa kanila ng pension o kaya ay sa servicing banks upang magsumite ng dokumento.

 

 

“Dati-rati po kasi, niri-require ang personal appearance. Sa ngayon po kinakailangan magpakita ng personal o magsumite ng mga dokumento ng personal ang mga senior citizen para patuloy nilang ma-access ang kanilang pension,” ani Roque.

 

 

Pero dahil sa COVID-19, isinaalang-alang ng IATF ang kaligtasan ng mga senior citizens.

 

 

Ayon pa kay Roque, ang mga senior citizens ay kabilang sa mga “high risk” at delikado kapag nagkaroon ng COVID-19.

Other News
  • Malakanyang, idinepensa ang pagtaas ng travel expenses ni PBBM

    IDINEPENSA ng Malakanyang ang makabuluhang pagtaas ng  travel expenses ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr.     Sa katunayan, sa isang kalatas, sinabi ng Presidential Communications Office  na ang ‘increase’  o paglaki ng  travel expenses ay sumasaklaw sa local at foreign travels.     Nauna rito, iniulat ng Commission on Audit (COA) ang pagtaas ng 1,453% […]

  • Mga ospital ng DOH, nakahanda sa mga banta ng El Niño

    NAKAHANDA ang mga ospital ng Department of Health sa mga banta dulot ng El Niño phenomenon.     Kaugnay nito, tiniyak ng ahensiya na hindi maaantala ang heallth services para sa publiko.     Ayon kay Health Sec. Ted Herbosa mayroong nakalatag na contingency plan ang DOH sakaling makaranas ng kakapusan ng tubig at kuryente […]

  • Mas mahigpit na protocol sa public transpo, malabo – DOH

    Wala pang nakikitang dahilan ang Department of Health (DOH) para magpatupad muli ng mahigpit na panuntunan sa pampublikong transportasyon sa kabila ng banta ng mas nakakahawang UK variant ng COVID-19 na nasa bansa na.     Sinabi ni Health Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire na ang pagbubukas ng pampublikong transportasyon ay para mabalanse ang […]