PETISYON NG ABS-CBN, IBINASURA NG SC
- Published on August 26, 2020
- by @peoplesbalita
IBINASURA ng Supreme Court En Banc session,ang isinampang petition for certiorari and prohibition with appication for Temporary Restraining Order and injuction na isinampa ng ABS-CBN Corporation laban sa kautusan ng National Tele Commujication Commission (NTC).
Sa ipinalabas na resolusyon,sinabi ng SC dahil sa ginawang pagtanggi ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa mga nakabinbin na House bills para sa renewal ng prankisa ng ABS-CBN noong Hunyo 10,2020, wala na umanong dahilan para hindi ibasura ang petisyon ng nerwork.
“The court finds its appropiate to dismiss the case on the ground of mootness.Because of this supervening event, there is no actual substantial relief whicn ABS-CBN Corporation would be entitled to regardless of the court’s disposition of the merits of the petition,”ayon pa sa resolusyon ng SC.
Nalaman na unanimous ang naging desisyon na idismiss ang petisyon ,maliban kay Associate Justice Priscilla Baltazar-Padilla na naka leave nang magbotohan. (GENE ADSUARA)
-
BANTAYAN ANG MGA ANAK
DUMARAMI ang kaso ng COVID-19 sa bansa sa araw-araw na sa pinakahuling report, umabot na sa 49 ang kaso ng sakit, pero pagtitiyak ng Department of Health (DOH) na mahigpit ang ginagawa nilang pag-monitor sa mga nakahalubilo ng mga napaulat na nagpositibo sa COVID-19. Marami naman ang nagtataka kung bakit bigla ang pagtaas at […]
-
Team Lakay fighter Stephen Loman, tinawag ng Brave CF president bilang ‘biggest combat athlete’
NANINIWALA ang presidente ng Brave Combat Federation na malaki pa ang magagawa ni Team Lakay fighter Stephen “The Sniper” Loman para sa mundo ng Mixed Martial Arts (MMA). Tiwalang-tiwala si Brave Combat Federation president Mohammed Shahid na madadala ni Loman sa ibang level ang MMA sa Pilipinas. Sinabi pa ni Shahid na patuloy […]
-
Ads April 5, 2023