• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PhilHealth: Breast cancer benefit, itinaas sa P1.4 milyon

MAGANDANG balita dahil umaabot na ngayon sa P1.4 milyon ang benepisyo sa gamutan na ­maaaring matanggap ng mga breast cancer patients mula sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Ito’y matapos na aprubahan na ng state health insurer ang pagtataas ng kanilang “Z-Benefit Package.”
Sa isang public briefing, sinabi ni PhilHealth acting Vice President for Corporate Affairs Group Rey Baleña na inaprubahan na kahapon ng PhilHealth Board ang pagtataas ng package rate para sa breast cancer patients.
Dahil dito, mula sa dating P100,000 ay magiging P1.4 milyon na ito simula nitong Marso 30, 2024.
“Good news ito sa mga kababayan natin lalo na sa magpapagamot, kahit ‘yung kasalukuyang nagpapagamot na, for breast cancer,” pahayag pa ni Baleña.
Aniya pa, kung dati ay early stages lang ang kuwalipikado sa Z-benefit para sa breast cancer, ngayon ang lahat ng stages ng breast cancer ay maia-avail na ng pasyente.
Other News
  • Operasyon ng mga power generation plant sa Albay, nananatiling normal – Malakanyang

    NANANATILING normal ang operasyon ng mga power generation plant sa lalawigan ng  Albay.     Sinabi ng Presidential Communications Office, (PCO), wala namang problemang naiulat pa sa ngayon sa Albay kung pag- uusapan ay power supply.     Sa katunayan aniya ay normal ang operasyon ng Tiwi Geothermal plant at ang Bac-man geothermal power plant. […]

  • Didal malaki ang tsansang makasama sa Tokyo Olympics

    Kumpiyansa ang Skateboarding and Roller Sports Association of the Philippines (SRSAP) na makakakuha si Pinay skateboarding sensation Margielyn Didal ng tiket sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.   “For more than a year pasok siya para sa Olympic slot,” sabi ni SRSAP president Carl Sambrano kay Didal, ang 2018  Asian Games at 2019 Southeast  […]

  • MPTC mamumuhunan ng P2B upang pagdugtungin ang CAVITEX, CALAX

    Maglalaan ang Metro Pacific Tollways Corp. (MPTC) ng P2 billion upang pagdugtungin ang Cavite Toll Expressway (CAVITEX) at Cavite-Laguna Expressway (CALAX).     Ito ang pahayag ni Roberto Bontia, president at general manager ng MPTC-unit ng Cavitex Infrastructure Corp. (CIC), sa isang virtual briefing na ginanap. Sinabi rin ni Bontia na ang construction ng isang […]