• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro, tuluyang nang sinibak ni PDu30

TULUYAN nang sinibak ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro.

 

Si Mauro ay nahaharap ngayon sa maraming kaso dahil sa pananakit sa sarili nitong kasambahay na makikita sa ilang CCTV footages na isinapubliko ng Brazilian media.

 

Sa public address ng Pangulo, Lunes ng gabi ay sinabi nito na kanselado na ang eligibility ni Mauro at wala na itong matatanggap na retirement benefits.

 

Bawal na rin siyang nang humawak ng anuman public office at hindi na rin ito pwedeng kumuha ng civil service examination.

 

Napag-alaman na nagsilbi si Mauro bilang Philippine envoy to Brazil mula pa noong March 2016 at naging bahagi ng foregin service mula pa noong February 1995. (Daris Jose)

Other News
  • Bigo man sa titulong ‘Queen of the Mothertucking World’: MARINA, nag-iisang Asian na umabot sa Top 4 sa ‘RuPaul’s Drag Race: UK vs. the World’

    BIGO na mapanalunan ng Pinay Drag Artist na si Marina Summers ang titulo na Queen of the Mothertucking World sa ‘RuPaul’s Drag Race: UK vs. the World’.     Ang nagwagi ay si Tia Kofi ng UK.     Umabot sa Top 4 si Marina pero napauwi siya nang hindi siya magwagi sa lipsync showdown. […]

  • Evaluation ng courtesy resignations, target na hindi aabutin ng 3 buwan –PNP chief

    TARGET  ng Philipine National Police (PNP) na matapos sa loob ng tatlong buwan ang evaluations at discussions ng five-man advisory group sa mga resignations ng top officials ng organisasyon.     Sinabi ni Philippine National Police chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. na nakatakda nilang isapinal ang mga house rules na gagamitin sa pagsusuri at pagtatasa […]

  • Coco Levy Trust Fund Act, pinirmahan na ni PDu30

    PINIRMAHAN na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang ganap na batas ang bumuo ng Coconut Farmers and Industry Trust Fund na naglalayong tiyakin na may pondo para sa industriya ng mga magsasaka ng niyog.   Sa ilalim ng Republic Act No. 11524, idi-dispose ng pamahalaan ang P75-bilyong halaga ng coco levy assets sa susunod na […]