• June 5, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Phoenix inambush ang San Miguel

BINUHAT ni RJ Jazul ang Phoenix Super LPG sa panalo kontra sa San Miguel Beermen, 110-103, sa 2020 PBA Philippine Cup na ginanap sa Angeles University Gym sa Pampanga.

 

Sumiklab ang 5-foot-11 at kumamada ang 33 career high points kasama ang siyam na three points kung saan malaki sa kanyang naibuslo ay sa 4 th quarter dahilan para makuha ng Phoenix ang kanilang ika-anim na panalo.

 

Bawat buslo ng Beermen ay sinasagot ng Phoenix na tila hindi napagod sa laban.

 

Bukod kay Jazul, naging susi rin sa panalo sina Matthew Wright na may 10 points at 10 assists at Calvin Abueva na laging nagdadala ng sigla at lakas sa koponan.

 

Dahil sa panalo, pinutol ng Fuel Masters ang four-game winning streak ng reigning five time champion San Miguel at pormal na din silang nakapasok sa quarterfinals sa anim na panalo sa siyam na laro.

Other News
  • AUSTRALIAN HACKER, DI PINAPASOK SA BANSA

    PINAGBAWALAN ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Australian hacker na nagtangkang pumasok ng Pilipinas.       Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco, na nasabat ng pamunuan ng BI’s Border Control and Enforcement Unit (BCIU) ang tangkang pagpasok ni Risteski Borche, 40, sakay ng isang Cebu Pacific flight mula  Sydney sa  Ninoy Aquino International […]

  • WENDELL, nagagawa pa ring mag-choir sa church kahit may pandemic dahil commitment niya ‘yun

    IBANG level na rin ang lalim ng faith ng actor na si Wendell Ramos bilang isang Katoliko.       Noon pa namin siya nakakausap at kapag nakaka-kuwentuhan namin siya, pansin na namin kung gaano siya ka-devoted Catholic.     The way he speaks at kung paano ang pananaw niya sa buhay at pamilya.  Si Wendell ‘yun […]

  • Senate Pres. Zubiri giit na ‘di siya ‘fake news’

    UMALMA si Senate President Juan Miguel Migz Zubiri, matapos na mabaligtad at i-deny ng Chinese embassy na kabilang ang Pilipinas sa mga blacklisted na bansa na puntahan ng mga turistang Tsino dahil sa umano’y isyu kaugnay sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).     Sa pahayag ni Senate President Migz Zubiri, sinabi nito na parang […]