• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinay MMA fighter nabigo sa muling paghaharap nila ni Ham Seo Hee

NABIGO si Filipino fighter Denice Zamboanga sa muling paghaharap niya kay Ham Seo Hee.

 

 

Nakuha ni Ham ang unanimous decision laban kay Zamboanga sa ONE X na ginanap sa Singapore Indoor Stadium.

 

 

Sa naging panalo ngayon ng South Korean veteran mixed martial arts fighter ay kumbinsido na ang mga judges.

 

 

Magugunitang noong Setyembre 2021 ng manalo ito sa split decision kung saan marami ang kumuwestiyon sa panalo nito.

 

 

Naging emosyonal si Ham dahil sa panalo nito kung saan hindi niya asahan na ma-dodomina na nito ngayon ang laban.

 

 

Aminado kasi ito na noong unang paghaharap nila ng Pinay fighter ay hindi it kumbinsido dahil sa marami ang bumatikos sa panalo niiya ngayon aniya ay gumana ang game plan at tiyak aniya na hindi na maku-kuwestiyon ang panalo nito.

Other News
  • 20 PNP quarantine control points itinalaga sa mga boundaries ng NCR-Plus Bubble

    Naglabas na ng listahan ang Philippine National Police (PNP) ng mga lugar na nilagyan nila ng quarantine control points.     Ito’y makaraang isailalim sa bubble general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila, Bulacan, Cavite,Laguna at Rizal dahil sa patuloy na pagtaas na kaso ng COVID 19.     Ayon kay PNP Spokesperson BGen. Ildibrandi […]

  • Bagong Pilipinas Serbisyo Fair’, pinalaki sa 335K benepisaryo

    WELCOME kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mas pinalaking “Bagong Pilipinas Serbisyo Fair” (BPSF) sa Santa Cruz, Laguna kung saan naghahandog ng serbisyo ang gobyerno.     Sinabi ni Special Assistant to the President Antonio Ernesto Lagdameo Jr., tumayong kinatawan ni Pangulong Marcos, layon ng BPSF na makapagbigay ng mabilis at maayos na serbisyo […]

  • Belmonte, Sotto naghain ng reelection bid sa pagka-mayor, bise ng QC

    Isang termino pa ang inaasam ngayon ng kasalukuyang alkalde’t bise alkalde ng Lungsod ng Quezon matapos nilang maghain ng kanilang kandidatura sa susunod na eleksyon sa darating na taon.     Ika-5 ng Oktubre, Martes, nang maghain ng kanilang certificates of candidacy (COC) sina incumbent QC Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto para […]