• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PINOY SKATERS, POKUS SA TOKYO OLYMPICS

HINDI naging balakid ang malaking kawalan ng world-class training facility sa bansa, dahil sa ‘di matatawaran ang kahusayan ng Pinoy skateboarders na patuloy na namamayagpag sa kasalukuyan.

 

Sinabi ni Carl Sembrano, bagong halal na pangulo ng Skateboarding and Rollerskates Sports Association of the Philippines (ARSAP), malaki ang tsansa ng mga Pinoy na mapasabak sa 2020 Tokyo Olympics.

 

“Kahit ako talagang nagugulat sa ipinakikitang galing ng ating mga skater. After dominating the SEA Games, tuloy ang magandang performance natin particularly sa abroad. To tell you frankly, ako mismo nagugulat sa kanilang galing, despite the fact that we have no international standard training facility,” pahayag ni Sembrano. “Sa US tournament, halos isang oras lang nagsanay ang ating mga skater sa facility na first time lang nilang nalaruan. After the event, No.5 si Margielyn Didal. What more kung meron tayong pasilidad na pagsasanayan nila.”

 

Kaya panawagan ni Sembrano sa pamahalaan at sa mga pribagong sektor na tulungan silang makapagpatayo ng pasilidad na batay sa international standard. “Ang PSC at POC po ay sumusuporta sa amin sa lahat ng aspeto pero iba po yung sarili naming pasilidad,” dagdag niya.

 

May itinayong skateboarding facility sa Tagaytay City na ginamit din sa 39th SEA Games noong Disyembre, ngunit sinabi ni Sembrano na hindi ito international standard dahil gawa lamang sa mga mahihinang material.

 

“But again despite of this, our skaters won six gold medals with Didal dominating the SKATE and women’s street skate completion,” giit ni Sembrano sa forum ng mga miyembro ng TOPS o Tabloid Organization in Philippine Sports.
Tulad ni Didal, kasalukuyang No. 8 sa World Ranking sa Street event, nakatuon din ang pansin nina De Lange at Feliciano, gayundin ang iba pang miyembro ng national team, sa pagsabak sa Olympic qualifying events sa abroad.
“Because of the Corona virus scare, hindi nakasali ang ating mga skater sa Olympic qualifying sa HongKong and Australia. Meron pa namang nakalinya na puwede naming salihan and hopefully makakuha tayo ng slots for the Tokyo Games,” paliwanag ni Sembrano.

 

Para naman kay De Lange, hindi lamang ang Olympics ang kanyang pakay kundi ang mahikayat ang mga kabataan na subukan ang sport na skateboarding.

 

Sa kasalukuyan ay nagsasagawa siya ng libreng skateboarding clinics sa Filinvest, Muntinlupa.

 

“Last time we have 50 participants. This Sunday I expected the number to double. It’s good for the sports. With the help of Blackwater, my mission is to help the kids and old alike to learn the basics,” sabi ni De Lange. “So bring your skateboard and join us this Sunday. It’s free and open to everybody.”

Other News
  • NAVOTAS NAGBIGAY NG CASH AYUDA SA BARANGAY HEALTH WORKERS

    Nagbigay ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng tulong cash na nagkakahalaga ng P1.04 milyon sa mga miyembro ng Barangay Health Emergency Response Teams (BHERT).   Nasa 208 barangay health workers, na nagbigay ng kanilang serbisyo ng hindi bababa sa tatlong buwan ang nakatanggap ng tig-P5,000 sa bisa ng City Ordinance No. 2020-40.   “Mula noong […]

  • Active COVID-19 cases sa NCR nakikitang papalo sa 58-K sa katapusan ng Setyembre

    Binago ng Department of Health (DOH) ang kanilang COVID-19 case projections para sa National Capital Region (NCR).     Ayon kay Health Under­secretary Maria Rosario Vergeire, patuloy na kumakalat ang virus pero sa mas mabagal na rate.     Sa kanilang tantiya, maaring aabot ang COVID-19 active cases ng 58,117 pagsapit ng Setyembre 30 bago […]

  • Naabot ang target na P500-M ng MMFF 2022: ‘Deleter’ ni NADINE, top-grosser at patuloy pang umaarangkada

    UMABOT sa P500 milyon ang kabuuang ticket sales ng Metro Manila Film Festival 2022, ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Atty. Romando Artes noong Lunes.     “We are delighted to announce that we were able to reach our target gross sales amounting to P500 million considering that we are still recovering from […]