Portugal niluwagan na ang travel restrictions ng mga pasahero na bumibisita sa kanilang bansa
- Published on February 8, 2022
- by @peoplesbalita
NILUWAGAN ng Portugal ang kanilang travel restrictions para sa mga pasahero na nagtutungo sa kanilang bansa.
Lahat aniya ng mga European COVID-19 certificates, EU digital pass o ibang mga kinikilalang vaccine passes ay hindi na kailangang magpakita pa ng negatibong test result sa pagpasok sa bansa.
Ang EU COVID-19 certificates kasi ay nagpapatunay na ang pasahero ay fully vaccinated na at tested negative o gumaling na sa COVID-19 infections sa loob ng anim na buwan.
Ipinatupad ang hakbang matapos na irekomenda ng European Council ang pagpaparehas na ng travel rules na hindi na gaanong hihigpitan ang mga fully vaccinated na pasahero.
Ang hakbang ay ipinatupad kahit na patuloy ang pagtaas ng kaso ng Omicron variant ng COVID-19 sa nabanggit na bansa.
-
DOE, nanawagan nang mabilis na rollout ng electric vehicles
NANAWAGAN ang Department of Energy (DOE) para sa mas mabilis na rollout ng electric vehicles sa bansa para mabawasan ang pagsandal nito sa fossil fuels. “The shift to EVs is expected to reduce the country’s dependence on imported fuel and to promote cleaner and energy-efficient transport technologies,” ang pahayag ng DOE sa isang […]
-
Ads December 16, 2020
-
LALAKI NA PINANGBILI ANG P1K NA AYUDA NG DROGA SA KYUSI ARESTADO
ARESTADO ng Quezon City Police District ang isang 40-anyos na lalaki matapos makumpiskahan ng shabu na binili gamit ang natanggap na P1,000 na ayuda mula sa gobyerno. Sa ulat, na ipinadala kay QCPD Director P/B.Gen Danilo Macerin ni P/Lt.Col Melchor Rosales, alas-3 ng madaling araw nang sitahin ang suspek na si Joven Llera, residente […]