Posters sa private properties ‘di babaklasin kung batay sa adbokasiya – Comelec
- Published on February 24, 2022
- by @peoplesbalita
HINDI babaklasin ng Commission on Elections (Comelec) ang mga poster ng sinumang kandidato na binayaran ng pribadong indibidwal at ipinaskil sa sariling property kung ginawa ito batay sa adbokasiya.
Paliwanag ito ni Comelec Spokeperson James Jimenez sa Laging Handa public briefing, bilang tugon habang patuloy pa sa ginagawang Oplan Baklas operations sa mga poster ng kandidato na nakakabit sa private properties, kabilang ang murals, na pininturahan ng Comelec dahil sa oversized at hindi nakalagay sa common poster area.
Una nang inulan ng batikos ang Comelec sa nasabing pagbabaklas na labag diumano sa freedom of expression. Salungat din umano ito sa naging desisyon ng Korte Suprema sa naging kaso ng” Diocese of Bacolod vs. the Comelec”, na pumabor sa Diocese sa pagdi-display ng mas malalaking poster ng 2013 Senatorial bets na nagka-classify sa “Team Buhay” at “Team Patay” kaugnay sa mga pumabor at hindi sa Reproductive Health Bill.
“It depends on the material used. Kung ang ginagawa mo lang ay nilalabas mo lang iyong campaign poster ng kandidato, ibang usapan ‘yan. That is simple political campaigning na sabi ng Supreme Court, puwede i-regulate,” ani Jimenez.
“Pero kunyari, nagpagawa ka ng sarili mong banner, nagpahayag ka ng sarili mong adbokasiya and in the process, binanggit mo ang pangalan ng kandidato, maaaring makalusot pa ‘yan, kasi nga, adbokasiya siya,” aniya.
Una nang sinabi ni Jimenez na ang campaign posters na binayaran at inilagay sa pribadong pag-aari ay kabilang sa election propaganda na dapat i-regulate.
Aniya pa, sinusuri na ng Comelec ang kanilang patakaran kaugnay sa mga apela hinggil dito. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
DTI, nanawagan sa publiko na huwag bumitiw sa pagsunod sa mga health protocols
NANAWAGAN ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga Christmas shoppers na huwag bumitiw sa pagsunod sa mga health protocols para hindi na muling sumirit ang bilang ng mga mahahawaan ng Covid-19. Sa Laging Handa briefing sinabi ni DTI sec. Ramon Lopez, na kapag lalabas ng bahay ngayong holiday season ay dapat na laging […]
-
Pag-angkat ng 440-K MT ng asukal, aprubado na ng SRA Board
INAPRUBAHAN ng Sugar Regulatory Administration (SRA) Board ang plano sa pag-aangkat ng 440,000 metric tons ng refined sugar. Layon nito na palakihin ang supply at patatagin ang mga presyo ng sweetener ngayong taon. Inihayag ni Sugar Regulatory Administration (SRA) Board member-planters’ representative Pablo Luis Azcona na inaaprubahan ito sa ginawang pulong […]
-
SMURF IT UP! WATCH THE NEW “SMURFS” TRAILER NOW
La la la-la la la, sing a happy song. La la la-la la la, smurf the whole day long. Watch the new trailer for Smurfs, directed by Chris Miller (Shrek the Third, Puss in Boots) and featuring an all-star cast that includes Rihanna, James Corden, Nick Offerman, Daniel Levy, Amy Sedaris, Natasha Lyonne, Sandra Oh, Octavia Spencer, […]