Private firms, puwede nang umangkat at bumili ng sarili nitong Covid-19 vaccine
- Published on April 6, 2021
- by @peoplesbalita
MAAARI nang umangkat at bumili ng Covid-19 vaccines ang mga private firms kahit pa gaano ito karami.
Sa kanyang Talk To The People, Lunes ng gabi ay ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez na lagdaan na ang anuman at lahat ng dokumento na naglalayong payagan ang private sector “to import at will.”
” Maski anong gusto nilang amount na ipasok, OK sa akin,” pagtiyak ng Pangulo..
Ayon sa Punong Ehekutibo, maraming private firms sa bansa ang nais na bumili ng bakuna para sa kanilang mga empleyado.
“You know the reason why? So that the economy can be opened,” aniya pa rin.
Sinabi pa ng Pangulo na pinapayagan niya na kaagad na makabili ang pribadong sektor ng bakuna.
“There are so many restrictions, and workers come from all places, so it’s doubly hard for government to—alam mo ito, teka muna…mag-prangkahan tayo. Itong dumating na 1.2 million, tamang-tama lang ito sa mga frontliners, sa mga health workers…,” ani Pangulong Duterte na ang tinutukoy ay ang one million doses ng Sinovac vaccine na dumating sa bansa kahapon, Marso 29.
Ito naman ang first batch ng bakuna na binayaran ng pamahalaan para kaagad na dumating sa Pilipinas ang mga bakuna.
Nauna rito, nakatanggap ang Pilipinas ng dalawang batch ng Sinovac doses na dinonate ng China at isang batch ng AstraZeneca doses na libreng ibinigay ng global COVAX vaccine-sharing facility.
Sinabi ng Pangulo na pinapayagan na ng pamahalaan ang pribadong sektor na makabili ng bakuna dahil limitado lamang kasi ang bakunang natanggap nito.
Sa ulat, hiniling ng private sector sa pamahalaan na payagan silang mag-angkat at bumili ng COVID-19 vaccines nang direkta mula sa accredited sources nang walang restriction o kondisyon.
Sa kasalukuyan, sinabi ni Galvez na hindi pa pinapayagan ang private sector na bumili ng sarili nilang bakuna.
Ang paliwanag ni Galvez, ang COVID-vaccine na ginagamit sa ngayon ay para pa lamang sa Emergency Use Authorizations (EUA) mula sa pamahalaan at hindi para sa commercial use authorizations.
Ang ibig sabihin ay hindi babalikatin ng manufacturer ang indemnification costs para sa kahit na anumang adverse effects na mararanasan ng vaccine recipients.
“The responsibility cannot be delegated to the private sector and LGU. The national government will be liable, considering the product is still under clinical trial. If there will be adverse effects, the vaccine maker will be immune from liability,” ang pahayag ni Galvez . (Daris Jose)
-
PBBM, nakipagpulong sa ICT executives
NAKIPAGPULONG si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga opisyal ng fiber broadband provider Converge ICT Solutions, Inc. at South Korea’s largest telecommunications firm, KT Corp., araw ng Biyernes sa Malakanyang. Ibinahagi ni Pangulong Marcos sa kanyang official Facebook page ang larawan ng nasabing pakikipagpulong kina Converge ICT chief executive officer Dennis Anthony Uy […]
-
Mask-wearing outdoors, dapat na ‘opsyonal’- Concepcion
DAPAT na maging opsyonal ang pagsusuot ng face mask sa outdoor settings. Sinabi ni presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion, nais niyang mag- exit o lumabas na ang Pilipinas sa “state of public health emergency. “I think wearing of face masks outdoors should now be optional, but it should remain mandatory […]
-
PBBM CITES SIGNIFICANCE OF MATATAG CURRICULUM, SAYS IT COULD FINE TUNE PH EDUCATION
THE Department of Education’s (DepEd) launching of the MATATAG Curriculum will improve the country’s school curriculum and determine what suits the needs of Filipino learners, President Ferdinand R. Marcos Jr. said on Monday. “This is very significant because…ang sinusubukan nating gawin ay ayusin ang curriculum para maging mas bagay sa pangangailangan ng mga […]