• December 1, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Saso kumita ng P564K

BITIN ang paghahabol ni Yuka Saso na naka- two- under -70 pa-total 286 at humilera sa walong magkakatabla para sa ika-14 na puwesto na may ¥1,226,250 (P564K) bawat isa sa pagwawakas nitong Linggo ng 53rd Japan Women’s Open Golf Cham- pionship 2020 sa The Classic Golf Club sa Miyawaka City, Fukuoka Prefecture na kinopo ni ni Erika Hara ng sa apat na palong bentahe.

 

Ikalawang sunod na mintis ito ng 19-anyos na Fil-Japanese at pangunahing professional golfer ng Pilipinas sa hangad na makakopo ng major title sa 12th Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour of Japan 2020.Humulagpos din sa kanya din ang Player of the Year top ranking tapos ng pitong torneo laban sa karibal na si Sakura Koiwai na kumuha ng 240 points sa pagsegunda sa komeptisyon, pa-784 total laban sa 739.45 ni Saso.

 

May 68-272 si Hara para magkamit ng ¥22,500,000 (P10.3M) hambing sa 68-276 ni Koiwai na may (P5.6M). Umakyat din si Hara sa tersera sa POY race sa 540 markers. Dalawa pang Haponesa ang pumangatlo sa torneo sa identical 280s. (REC)

Other News
  • MPD AT NPC, NAG-USAP

    NAKIPAGDAYALOGO  ang pamunuan ng  Manila Police District (MPD) sa  National Press Club o NPC para na rin sa kaligtasan ng mga mamamahayag alinsunod na rin sa direktiba ni PNP Chief Lt.Gen.Rodolfo Azurin Jr .     Sa kanyang kautusan, inatasan ang mga district director  na magsagawa ng “Dialogue and Threat Assessment on Media Personalities” sa […]

  • PDu30, nagtalaga ng bagong Court of Appeals justice

    ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si dating Bangko Sentral ng Pilipinas Executive Director Jennifer Joy Chua Ong bilang associate justice ng Court of Appeals (CA).     Sa panahon na itinalaga si Justice Ong, siya ay undersecretary ng Office of the Appointments Secretary ng Office of the President.     Si Justice Ong, nanumpa […]

  • Kelot na walang facemask huli sa marijuana

    NABISTO ang dalang illegal na droga ng isang kelot nang tangkain takasan ang mga pulis na sumita sa kanya dahil sa hindi pagsuot ng facemask sa Caloocan City, kamakalawa ng madaling araw.     Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr ang naarestong suspek bilang si Dante Avila, 29 ng Barangay 150, Bagong […]