• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

“Project alis lungkot” inilunsad sa OSSAM

INILUNSAD kahapon sa Ospital ng Sampaloc (OSSAM) ang “Project Alis Lungkot” para sa mga pasyente na nasa isolation upang makasagap ng libreng internet access para makausap ang kani- kanilang mga pamilya habang nasa ospital.

 

Sinabi ni Manila Mator Francisco “Isko Moreno”Domagoso ,umaasa siya na makakabawas ito sa stress na nararanasan ng ating mga pasyente habang sila ay tuluyang nagpapagaling sa sakit na COVID-19 o sa iba pang mga karamdaman.

 

Nabatid na ang maayos na internet access ay makatutulong din sa mga OSSAM hospital workers na mas episyenteng makapag hatid ng serbisyo.

 

Pinuti ni Moreno si OSSAM Hospital Director Aileen Lacsamana, ang OSSAM Pub- lic Information Office at ang kanilang Information and Communication Technology (ICT) division dahil sa nabanggit na inisyatiba.

 

Kumpiyansa ang mga kaalyado ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na makukuha nila ang mayorya ng boto para mailuklok itong Speaker of the House pagsapit ng October 14.

 

Ayon kay AAMBIS-OWA Partylist Rep. Sharon Garin, may mga paguusap na para sa pagpapatawag ng sesyon sa October 14 kahit pa sinuspindi na ang sesyon ng Kamara hanggang sa November 16.

 

Naniniwala din si Garin na mas nakabuti ang nangyari nitong Martes kung saan lahat ay nabigla sa pagmosyon ni Speaker Alan Peter Cayetano na aprubahan sa ikalawang pagbasa ang 2021 General Appropriations Bill.

 

Aniya, nakakatanggap sila ngayon ng maraming tawag mula sa mga kasamahang kongresista na nagpapahayag ng pagsuporta sa term-sharing agreement.

 

Sinabi naman ni Buhay Partylist Rep. Lito Atienza na posible pa ring magkaroon ng botohan sa October 14 dahil maaari namang magpatawag ng sesyon ang mayorya.

 

Dagdag pa ni Atienza, alam na alam na ni Cayetano na maraming mga kongresista na ang sumusuporta sa term-sharing agreement at nahihiya matapos ang naganap kahapon sa sesyon ng Kamara.

 

Sinabi naman ni Valenzuela Rep. Eric Martinez na abangan na lamang sa October 14 at maipapakita nila ang suporta ng mayorya kay Velasco.

 

Matatandaang tinanggal sina Garin at Martinez sa kanilang Committee Chairmanships habang si Atienza ay umaalma naman dahil naka-mute nanaman silang mga kongresista na nasa zoom conference habang isinasagawa ni Cayetano ang kanyang speech at mosyon. (Gene Adsuara)

Other News
  • Enrollment para sa SY 2024-2025, umabot na sa 18 milyon

    UMABOT na sa mahigit 18 milyong mag-aaral ang nag-enroll para sa School Year (SY) 2024-2025.     Base ito sa ipinalabas na data ng Department of Education (DepEd), araw ng Biyernes, Hulyo 26.     Sa Enrollment Monitoring Report for SY 2024-2025 by the Planning Service – Education Management Information System, ang bilang ng mga […]

  • Bentahan ng alcohol sa supermarkets, limitado sa 2 bote kada kostumer – DTI

    NILIMITAHAN na simula kahapon (Miyerkoles) sa 2 bote kada kostumer ang bentahan ng alcohol sa mga supermarket kasunod ng paglakas ng pagbili sa produkto bunsod ng dumaraming kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.   Napagkasunduan ang limitadong bentahan sa pulong ng Department of Trade and Industry (DTI) sa mga manufacturer ng alcohol at may-ari […]

  • Shootout: 2 drug suspect utas, P68 milyong shabu nasamsam

    Patay ang dalawang pinaniniwalaang miyembro ng “Divinagracia drug syndicate”matapos manlaban sa mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Group (PDEG) at National Capital Regional Drug Enforcement Unit sa Muntinlupa City, kamakalawa ng  gabi.     Kinilala nina PNP chief,  General Guillermo Eleazar  ang mga napaslang na sina Jordan Abrigo, alyas Jordan  at Jayvee De Guzman o […]