• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Proyekto at programa ng Duterte adminstration, kailangan na may continuity

KAILANGAN ang “continuity” sa mga nasimulang proyekto at programa ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

Ito ang dahilan ibinigay ng mayorya ng mga miyembro ng PDP-Laban na nagnanais na tumakbo ang Pangulo sa pagka-pangalawang pangulo sa 2022 elections.

 

Sa PDP-Laban meeting, sinabi ni Metropolitan Manila Mayor Benhur Abalos na walang makakapantay kay Pangulong Duterte sa mga proyektong naipatupad nito sa ilalim ng kanyang liderato.

 

Tinukoy ni Abalos ang infrastructure project at bilib din siya sa peace and order sa Kalakhang Maynila.

 

Sa kasaysayan din ng PIlipinas ay tanging si Pangulong Duterte lamang ang nagkaroon ng 91% satisfaction rating kabila ng nagtataasang cumulative coronavirus disease (COVID-19) cases ng Pilipinas noong Setyembre 2020.

 

Dahil dito, malinaw na maraming naniniwala sa kanyang liderato kaya’t kailangan na mayroong continuity ng kanyang mga nasimulang proyekto at pograma.

 

Bukod dito, malaki rin ang utang na loob ng mga Abalos kay Pangulong Duterte at Senador Bong Go dahil nang mag-iisang taon na at magbi- birthday siya nang siya ay nasa ospital dahil nag-aagaw buhay ang kanyang mga magulang.

 

“Malaki po ang utang na loob ng pamilya ko sa inyo at kay Senador Bong Go. Nasa likod nyo po kami.. suportado po namin ang liderato ninyo, nasa likod n’yo po kami,” ani Abalos.

 

Ginarantiya naman ni Cabinet Secretary Karlo Nograles sa Pangulo na walang ibang tatakbo sa kanilang partido sa pagka- pangalawang pangulo.

 

Ang hinihintay na lamang nila ay ang desisyon ng Pangulo kung tatakbo ito o hindi. (Daris Jose)

Other News
  • Pagkalipas nang dalawang dekada: BEA, dream come true na makatambal muli si DENNIS

    DREAM come true pala ni Kapuso actress Bea Alonzo na makatambal muli ang Kapuso Drama King na si Dennis Trillo.      After two decades na una silang nagtambal, si Bea raw ang nag-request na si Dennis sana ang susunod niyang makatambal.     Kaya, official announcement na ng GMA Network sa “24 Oras” last […]

  • Robredo nanawagan para sa mas ‘organisadong’ pag-asikaso sa repatriated OFWs

    Tinawag ni Vice President Leni Robredo ang pansin ng concerned agencies na nag-aasikaso sa repatriated Pinoy overseas workers dahil sa COVID-19 pandemic.   Nabatid kasi ng bise presidente na tila hindi pa rin organisado ang tulong sa mga umuwing OFW, kung saan karamihan ay na-stranded sa mga quarantine centers sa Metro Manila. “Medyo disorganized talaga… […]

  • Pacquiao may ‘pasabog’ bago lumipad pa-Amerika

    Bago magtungo sa Amerika para ituloy ang pagsasanay sa boksing, may pasabog muna si Sen. Manny Pacquiao laban sa administrasyong Duterte.     Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, na ibinahagi sa kanila ni Senate President Tito Sotto ang pahayag ni Pacquiao na may ibubunyag sa media sa Sabado tungkol sa umano’y korupsyon sa pamahalaan.   […]