• December 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PSG, handang mamatay para kay PDu30-Sec. Roque

HANDANG mamatay ang Presidential Security Group (PSG) para protektahan ang seguridad ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ito ang mensaheng nais ipabatid ng Malakanyang sa paggamit ng PSG nang smuggled at hindi FDA approved na COVID-19 vaccine.

“Alam ninyo po ang PSG bagama’t iyan po ay—ang mga tauhan niyan ay galing sa lahat ng sangay ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas, malinaw po ang kanyang misyon ‘no – ito po ay to protect the President of the Republic of the Philippines and his immediate family,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Aniya, nagkaroon ng desisyon ang PSG na sa panahon ng pandemya eh isa sa malaking banta sa kalusugan ng Pangulo ay kung mahahawa siya ng mga taong nakapaligid sa kanya at ito nga aniya ay ang PSG.

“So nagdesisyon sila maski wala pa pong authorization na magpabakuna. In other words po, dahil handa naman silang mamatay para sa Presidente eh pumayag na rin sila na magpasaksak dahil sa kanilang pagnanais na huwag sanang mahawaan ang ating Presidente,” ani Sec. Roque.

“Ang mensahe po nila ay malinaw: magpapakamatay po sila sa Presidente, para sa Presidente para bigyan siya ng proteksiyon,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

Samantala, ang sambayanang Pilipino naman aniya at si Pangulong Duterte ay nagbibigay-pugay sa katapatan ng PSG sa kanilang misyon na protektahan ang Pangulo. (Daris Jose)

Other News
  • Sotto at 36ers wagi sa Phoenix

    NAKABALIK sa porma ang Adelaide 36ers matapos pataubin ang Southeast Melbourne Phoenix, 100-92, kahapon sa 2022 National Basketball League (NBL) season sa Adelaide Entertainment Center sa Adelaide, Australia.     Nakapagtala lamang ang 7-foot-3 Pinoy cager na si Kai Sotto ng 4 points at 5 re­bounds para sa 36ers.     Hataw si Daniel Johnson […]

  • DoH, ia-anunsyo ang alert level sa NCR sa Oktubre 1

    ANG Department of Health (DOH) ang maga-anunsyo sa Oktubre 1 kung mananatili o babaguhin ang COVID-19 alert level sa National Capital Region (NCR).   Sa virtual press briefing ni Presidential spokesperson Harry Roque, sinabi ni DOH Epidemiology Bureau director Dr. Alethea De Guzman na sila ang magde-desisyon kung pananatilihin ang NCR sa ilalim ng Alert Level 4 o […]

  • 4.4 milyong Pinoy makikinabang sa P106 bilyong 4Ps funds

    HIGIT 4.4 milyong pamilyang Filipino ang makikinabang sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ngayon taon.     Sinabi ni Budget Sec. Amenah Pangandaman na ?106.335 bilyon ang inilaan sa 4Ps na mas malaki kumpara noong 2023 na P102.610 bilyon.     Sakop ng nasabing alokasyon ang mga ayuda para sa kalusugan na nagkakahalaga ng ?750 […]