PUBLIC TRANSPORT DAGDAGAN! HEALTH PROTOCOLS ISTRIKTONG IPATUPAD! CONSOLIDATION ng MGA PRANKISA HUWAG IPATUPAD!
- Published on February 23, 2021
- by @peoplesbalita
Sa inirekomendang modified GCQ sa buong bansa simula ngayong darating na Marso, asahan na ang mas maraming pasahero. Kaya naman rekomendasyon din na dagdagan ang mga units para sa public transportation. Iba ang dagdag ng masasakyan sa dagdag sa pwedeng sumakay – ang ibig sabihin ng una ay mas marami ang masasakyan. Ang pangalawa- mas marami ang isasakay. Ang una – mas kailangan dahil bagamat ang polisiya ngayon sa public transport ay pwede na umupo ang pasahero ng “one seat apart” at pwede magtabi sa upuan basta may “plastic barrier”, nanatili naman na limitado sa fifty per cent ng mga sasakyan ang pinapayagan pumasada. Ito naman ang nais madagdagan pag modified GCQ na. Sangayon tayo sa dagdag na masasakyan para masilbihan ang inaasahang pagdami ng pasahero sa modified GCQ. Pero dapat pa rin na istriktong maipatupad ang mga health protocols na tila nakaliligtaan na:
- Linisin o palitan mga plastic barriers;
- Ang pag-gamit ng thermal scanners sa mga sasakay, at ang mga basic na protocols tulad ng alcohol at face masks; ang contact tracing policy, at iba pa.
- Iwasan din ang pagpuputol ng ruta na sanhi ng dagdag sakay at gastos sa pamasahe ng mga pasahero. Yun hirap ng palipat-lipat ng sasakyan ay mas nag-e-expose sa mga pasahero dahil nasa lansangan sila ng mas matagal para lang mag abang at lumipat ng masasakyan.
Mungkahi rin ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP)na suspendihin o tuluyan nang alisin sa Joint Administative Order 2014-01 ang malupit na parusa sa mga out-of-line operation o iba pang violation na tinuring na colorum kahit may prangkisa naman.
Halimbawa ay may multa na, na P200 thousand (P1M pag bus, P120K pag sedan, P50K pag jeep). Impound ang sasakyan pero DAMAY ANG MGA WALANG KASALANAN O WALANG VIOLATION NA MGA UNITS na nagkataon lang na nakapaloob sa isang prangkisa kung saan kasama yung unit na nahuli.
Ano ang kasalanan ng mga driver ng mga units na hindi naman lumabag sa batas para matanggalan sila ng hanapbuhay.
Pag nanatili itong polisiyang ito at tuluyang ipatutupad ng LTFRB at DOTr ang pag consolidate ng mga prangkisa sa isang cooperatiba o corporation ay magiging malaking problema ito. Ngayon pa lang ay marami nang umaangal dito na mga franchise holders. Epekto nito ay nababawasan ang maaring masakyan ng mga pasahero, kawalan ng trabaho sa mga driver at konduktor at kawalan ng hanapbuhay para sa operator ng may prangkisa. (Atty. Ariel Inton-Enrile)
-
Na-bash dahil nakunang kumakanta sa harap ng altar: JULIE ANNE, personal nang nag-sorry at nangakong hindi na mauulit
AGAD na nag-viral ang video ni Julie Anne San Jose habang kinakanta ang “Dancing Queen” ng ABBA sa harapan ng altar ng isang simbahan. Nangyari ito noong October 6, kung saan isa siya sa mga nag-perform para sa “benefit concert” na ginanap sa Nuestra Señora Del Pilar Shrine sa Mamburao, Occidental Mindoro. […]
-
Hard to tell yet- Herbosa
SINABI ni National Task Force (NTF) Against COVID-19 medical adviser Dr. Ted Herbosa na mahirap pang sabihin kung ang bagong pagbaba sa kaso sa National Capital Region ay simula na ng downward trajectory ng infections. Tinanong kasi si Herbosa kung ang pagbaba ng kaso sa NCR ay nangangahulugan na ang surge dahil sa […]
-
Barangay Kamuning ‘di isasailalim sa lockdown — Mayor Joy
Wala umanong basehan para isailalim sa lockdown ang Brgy. Kamuning matapos na isang residente dito na galing Dubai ang kaunaunahang na-infect ng UK COVID variant. Ito ang inihayag ni Quezon City Mayor Joy Belmonte kasabay nang pagsasabing hindi na nakarating sa kanyang bahay ang pasyente matapos itong dumating sa bansa dahil agad itong dinala […]