• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pulis na lulong sa sabong, tiklo sa holdap

ISANG pulis ang inaresto ng kanyang mga kabaro matapos mahuli sa aktong nangholdap ng gasolinahan para umano pangtustos sa kanyang bisyo ng pagsusugal lalo na ang pagsasabong, sa bayan ng Trinidad, Bohol.

 

 

Kinilala ang nadakip na suspek na si Police Staff Sergeant Conchito Payac, 33, desk officer ng Dauis Police Station at residente sa Cantam-is Barangay Aguining, Pres. Carlos P. Garcia.

 

 

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Joe­mar Pomarejos, hepe ng Provincial Intelligence Unit-BPPO, ala-1:00 ng hapon nang madakip ang suspek na hinoholdap ang gasolinahan sa Purok 4, Barangay Poblacion, Trinidad, Bohol.

 

 

Sinabi ni Pomarejos, na isinailalim nila sa surveillance si Pa­yac matapos sa sunod-sunod na holdapan sa gasolinahan sa bayan ng Alicia at Duero ng nasabing probinsya noong Dec. 1 at 7, 2022 at pinaniniwalaan si Payac ang pangunahing suspek.

 

 

Nakuha sa suspek ang P8,000.00, inisyu na service firearm nitong 9mm Glock pistol na may magazine, at motorsiklo na walang plate number.

 

 

Paniniwala ng pulis­ya posibleng hindi na nakayanan ng suspek na sustentuhan ang kanyang mga bisyo at maging ang mga alaga niyang panabong na manok.

 

 

Nahaharap ngayon sa kasong kriminal at administratibo si Payac at nanganganib na masibak sa serbisyo. (Daris Jose)

Other News
  • Naging open noon sa maraming insecurities: KELVIN, nako-control at stable na ang mental health

    PINAKA-BUSY na Kapuso actor ngayon si Kelvin Miranda dahil tatlong pelikula ang natapos niyang gawin at isa roon ay ang romance film with Miles Ocampo and Chie Filomeno titled ‘Missed Connections’ na available na for streaming on Netflix.     Marami raw natutunan ang aktor sa kanyang role at sana ay may mapulot din ang […]

  • 1,943 traditional jeepneys balik kalsada

    Bumalik na sa kalsada ang may 1,943 na traditional jeepneys na papasada sa 17 routes sa Metro Manila na binigyan ng pahintulot  ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).   Sa ilalim ng isang LTFRB memorandum circular, ang mga traditional jeepneys ay maaari ng bumalik sa kanilang operasyon kahit na walang special permits. Subalit […]

  • PSC sumaklolo sa mga atletang biktima ng bagyo

    Naghahanda na ang Philippine Sports Commission (PSC) upang i-release ang financial assistance sa mga miyembro ng national team na nasalanta ng sunod-sunod na bagyo. Nakipag-usap na ang PSC sa national sports associations (NSAs) upang malaman kung sino-sinong mga atleta ang naapektuhan ng nakaraang mga kalamidad. Ayon sa ulat, tumanggap ang ahensya ng mga ulat na […]