• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PUMPING STATIONS NG NAVOTAS 72 NA

PARA siguradihin na hindi na babahain sakaling may malakas na ulan at bagyo, nagdagdag pa ng pumping stations ang Navotas City, kasunod ng pagpapasinaya sa tatlo pa kung kaya umabot na sa 72 ang pumping station ng lungsod.

 

 

Pinangunahan nina Mayor John Rey Tiangco at Cong. Toby Tiangco ang blessing at inauguration ceremony sa tatlong pumping stations sa Judge Roldan St., Brgy., San Roque, Daanghari St., Brgy., Daanghari at Maliputo St., Brgy., NBBS Dagat-Dagatan.

 

 

“Noon, kapag nababanggit ang Navotas, bukod sa isda ay baha ang naiisip ng mga tao. Malaking perwisyo ang dulot nito dahil apektado di lang ang pang-araw-araw nating pamumuhay kundi pati ang ating kabuhayan at kalusugan. Kaya naman sinimulan ni Cong. Toby at tinuloy-tuloy natin ang pagtatayo ng mga pumping station para maiwasan ang pagbaha,” ani Mayor Tiangco.

 

 

“Pakiusap lang po na alagaan nating mabuti ang ating mga pumping station. Isipin natin na pag-aari natin ito. Kung ganyan tayo mag-isip, siguradong sisikapin nating parati itong maayos at gumagana,” dagdag niya.

 

 

Samantala, pinaalalahanan naman ni Cong. Tiangco ang mga Navoteños na maging responsable sa pagtatapon ng basura.

 

 

“Malaki po ang ambag ninyo para maiwasan natin ang pagbaha sa ating lungsod. Maayos na makakahigop ng tubig ang bombastik kung walang basurang nakabara dito. Kaya maging responsable po tayo sa pagtatapon ng basura,” sabi ni Cong. Tiangco.

 

 

Dumalo rin sa inagurasyon sina Vice Mayor Tito Sanchez, mga konsehal ng lungsod, barangay chairpersons, mga department of heads at mga tauhan ng Department of Public Works and Highways. (Richard Mesa)

Other News
  • PDu30, pinangunahan ang pormal na pagpapasinaya sa development projects sa Dumaguete Airport

    PINANGUNAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pormal na inagurasyon ng development projects sa Dumaguete Airport.   Sa naging talumpati ng Pangulo sa isinagawang pagpapasinaya ng Development Projects sa Dumaguete (Sibulan) Airport sa Brgy. Boloc-Boloc, Sibulan, Negros Oriental ay sinabi nito na ang P252 million rehabilitation projects na pinasinayaan ngayon ay kinabibilangan ng “expansion of […]

  • Saso, Pagdanganan sama muli sa LPGA Tour 5th leg

    MAGKASAMANG muli sina 1-2 Philippine pros Yuka Saso at Bianca Isabel Pagdanganan bilang bet ng bansa sa 72nd Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour 2021 fifth leg – $200K 11th Ana Inspiration  sa Aviara Golf Club sa Carlsbad, California sa Abril 2-5.     Nagkasabay humambalos ang dalawa sa 75th US Open 2020 sa Houston, […]

  • Sumagot ang cast sa ‘ultimate fan reactions’: ‘My Plantito’, higit 54 million views kaya may hirit na Season 2 sina KYCH

    ILANG araw makalipas ang pagtatapos ng popular na serye sa Tiktok na My Plantito, damang-dama pa ng fans ang pagkasabik mula sa emosyonal na tila rollercoaster na pag-iibigan nina Charlie at Miko.     Wala ngang duda, nakuha ng palabas ang atensyon ng mga manonood hindi lamang dahil sa nakatutuwang kuwentong boy-love, pati na rin sa mga plot twist na naglatag […]