• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PVL sunod na target ni Santiago

Aabangan na ang pagbabalik ni Jaja Santiago sa Pilipinas para palakasin ang Chery Tiggo sa Premier Volleyball League (PVL) na inaasahang masisimulan sa Mayo.

 

 

Galing si Santiago sa impresibong kampanya sa Japan.

 

 

Tinulungan nito ang Ageo Medics na maibulsa ang korona sa Japan V.League Division 1 V Cup noong Linggo sa Ota City General Gymnasium sa Tokyo.

 

 

Pinataob ng Saitama Ageo Medics ang NEC sa finals sa bendisyon ng pukpukang 26-24, 20-25, 25-21, 25-17 desisyon.

 

 

Sa naturang laro, nagtala si Santiago ng 11 puntos tampok ang siyam na attacks.

 

 

Masayang uuwi si Santiago sa Pilipinas tangan ang gintong medalya na bunga ng paghihirap at pagtitiyaga nito sa Japan.

 

 

Si Santiago ang kauna-unang Pilipino na nakasungkit ng gintong medalya sa isang international competition bilang import.

 

 

Ito ang ikalawang me-dalya ni Santiago sa Japan matapos makasikwat ng tanso noong nakaraang taon kasama ang parehong team.

Other News
  • Booster shot para sa Team Philippines sa SEAG

    HIHILINGIN  ng Philippine Sports Commission (PSC) sa Philippine Olympic Committee (POC) na mabigyan din ng booster shot ang mga national athletes na sasabak sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.     Ayon kay PSC Commissioner at Team Philippines Chef De Mission Mon Fernandez, naturukan na ng second dose ng vaccine laban sa coronavirus […]

  • Checkpoint sa NCR plus borders inilarga na

    Inianunsiyo ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na nagsimula na kahapon ng istriktong pagpapatupad ng “NCR Plus travel bubble” kasabay ng pagtukoy kung sinu-sinong indibiduwal lamang ang papayagang makalusot o makadaan dito.     Ayon kay Interior Sec. Eduardo Año, nagtayo sila ng mga Qua­rantine Control Points (QCPs) na binabantayan ng mga […]

  • No. 40 top most wanted person ng PRO 3, nabitag ng NPD sa Valenzuela

    NALAMBAT ng mga operatiba ng District Special Operations Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) ang isang lalaki na listed bilang No. 40 top most wanted ng PRO 3 sa kanyang tinitirhan sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.     Kinilala ni DSOU chief PLt. Col. Rommel Labalan ang naarestong akusado bilang si Bonifacio Clemente, 51, […]