RABIYA, nag-deny na break na sila ng longtime boyfriend na si NEIL, inaming crush niya si KOBE
- Published on May 31, 2021
- by @peoplesbalita
NAGSIMULA na ang lock-in taping nina Asia’s Multimedia Star Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith ng kanilang first full-length teleserye sa GMA Network last May 18, ang The World Between Us.
May mga behind-the-scene photos nina Alden at Jasmine na lumalabas posted ng photographer ng show at may mga tanong ang mga netizens, ano raw ba ang story ng serye at ano ang roles na ginagampanan nilang dalawa.
Sa photo kasi, parang mga dating usong style ng mga damit ang suot nila, at kahit ang hair style ni Alden ay hindi iyong usual niyang hairstyle ngayon at si Jasmine daw ay ibang style naman ang hairdress niyang gamit?
Kahit ang co-star nilang si Tom Rodriguez ay iba rin ang hairstyle at may earrings pa siyang suot. Kasama pa rin sa cast sina Ms. Jaclyn Jose, Dina Bonnevie at may special participation naman si Glydel Mercado.
May iba pa silang kasama sa cast, pero hindi pa pinapangalanan kung sinu-sino sila. Sa pagtatanong, dalawa nga ba ang characters na gagampanan nina Alden at Jasmine, may younger Alden at younger Jasmine daw?
Wait na lamang natin kung ano talaga ang story ng The World Between Us na dinidirek ni Dominic Zapata. It will be a GMA Primetime series na ipalalabas agad after ng lock-in taping nila.
***
NAG-DENY si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo na break na sila ng long-time boyfriend niya na si Neil Salvacion.
Sabi pa niya sa isang interview, ‘I’m not available’ pero inamin niyang may celebrity crush siya, si Kobe Paras.
“I know nothing about basketball but I watch UAAP games to see him. Even though I don’t understand what’s happening, I look at number six.”
Si Kobe ay anak ni basketball player-actor Benjie Paras at nakababatang kapatid ng actor na si Andre Paras, na iniwan na rin muna ang acting at itutuloy na niya ang paglalaro ng basketball.
Dating member ng University of the Philippines si Kobe. Last month ay sumali na siya sa East West Private, the same company that is handling Kai Sotto in the US.
Sa July pa ang balik sa bansa ni Rabiya at gusto raw naman niyang pasukin ang showbusiness.
Dalawang beses nang nag-guest si Rabiya sa All-Out Sundays while preparing for the Miss Universe beauty pagent, pero inamin niyang hindi siya marunong sumayaw.
Ngayon kaya ay mag-aaral na siyang sumayaw, na usually ang isang artista ay kailangang marunong sumayaw at kumanta, bukod pa sa mahusay na pag-arte?
***
FINALE week na simula ngayong Monday, May 31, ng romantic-comedy series na Owe My Love na ginagampanan ng mga Kapuso artists na sina Lovi Poe at Benjamin Alves.
Ilan pa sa mga kasama nila sina Ai Ai delas Alas, Jackielou Blanco, Winwyn Marquez, Leo Martinez, Jason Francisco, at Buboy Villar.
Nasa USA pa hanggang ngayon si Lovi, at marami ang naghihintay kung totoo bang lilipat na siya ng network, pagkatapos ng series niya sa GMA Public Affairs?
Meanwhile, papalitan ang Owe My Love ng Philippine adaptation ng Korean drama na Autumn In My Heart na Endless Love na tinampukan nina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes and Marian Rivera.
Mapapanood ito simula sa June 7, pagkatapos ng Heartful Cafe sa GMA-7.
(NORA V. CALDERON)
-
PSC OIC Fernandez, atleta sumalang sa Covid-19 tests
Pinangunahan ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner at newly appointed Officer-In-Charge Ramon Fernandez ang isinagawang COVID-19 swab testing sa PhilSports Complex sa Pasig City. Kasama ni Fernandez sa ginanap na testing ang kanyang asawang si Karla Kintanar-Fernandez at inaasahang makukumpleto ang 14-day quarantine, habang nagtatrabaho bilang OIC, sa July 17. “We will comply […]
-
Navotas nagkaloob ng tax refund
Nagbigay ng tax refund ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa mga nagkaroon ng karagdagang multa dahil sa huling pagbabayad matapos na dalawang beses nang magbigay ng palugit para sa pagbabayad ng lokal na buwis. Nilagdaan ni Mayor Toby Tiangco ang City Ordinance 2020-45 na nagkakaloob ng tax refund sa mga taxpayers na nagbayad ng […]
-
Detention ng foreign nationals na magte-trespass sa WPS, inconsistent sa UNCLOS -DFA
ITINUTURING ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na ‘inconsistent’ sa United Nation Convention on the Law of the Seas (UNCLOS) ang regulasyon ng Tsina na nagbibigay kapangyarihan sa coast guard nito (Tsina) para i- detain ang sinumang foreign nationals na magte-trespass sa West Philippine Sea (WPS). Sa isang panayam, tinanong kasi si Manalo kung ano […]